Pambansang Buwan ng Pamana 2021

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pambansang Buwan ng Pamana (National Heritage Month) ay ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing Mayo sa bisa ng Atas ng Pangulo Proklamasyon Blg. 439. Layunin ng pagdiriwang na magkaroon ang mga Pilipino ng kamalayan, paggalang, at pagmamahal sa mga pamanang kultural ng ating kasaysayan.

Para sa 2021, ang Pambansang Buwan ng Pamana ay may temang “Victory and Humanity: Upholding Filipino Heritahe and Identity” bilang pakikiisa sa komemorasyon ng ika-500 taong anibersaryo ng Tagumpay sa Mactan at ang ika-500 taong anibersaryo ng pagiging bahagi ng Pilipinas ng unang sirkumnabegasyon sa mundo.

Mga Layon

Narito ang mga layunin sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana:

  • Mapalakas ang adbokasiya ng pagmamalasakit at pagtibayin ang mga nahahawakan (tangible) at hindi nahahawakang (intangible) pamanang kultural sa panahon ng krisis;
  • Maipakilala ang halaga ng mga pamanang kultural ng Pilipinas sa pamamagitan ng panghihikayat na lumahok sa mga gawaing may kaugnayan sa Pambansang Buwan ng Pamana at sa Quincentennial Commemorations of the Philippines (QCP);
  • Maisulong ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na magkaroon ng pansariling inisyatiba sa paglulunsad ng mga gawain para sa buwan ng Mayo na may kaugnayan sa tema, kabilang ang paglulunsad ng mga online workshop, webinar, at patimpalak; at
  • Magamit ang iba’t ibang virtual platform na makatutulong sa promosyon at iba pang inisyatiba para sa Pambansang Buwan ng Pamana.

Ang pagdiriwang ay pinangungunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Hinihikayat din ang mga ahensiyang pangkultural, iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga embahada at konsulado, mga pampublikong aklatan, at mga pribadong institusyon na magsagawa ng kani-kanilang inasyatiba sa paglulunsad ng mga gawaing may kaugnayan pagtataguyod ng mga pamanang kultural.

Para sa pagpapalaganap sa social media, gamitin ang opisyal na hashtag ng Pambansang Buwan ng Pamana. Gamitin ang #NHM2021.  

Sanggunian

“2021 PAMBANSANG BUWAN NG PAMANA.” National Commission for Culture and the Arts. https://ncca.gov.ph/2021/04/14/nhm2021/. Accessed 23 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.