Pamaypay ng Kalookan Festival

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pamaypay Festival ay isa mga pinakaaabangan sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng Lungsod Kalookan. Ipinakikita rito ang paggamit ng pamaypay bilang tradisyunal na kagamitan para pawiin ang init.

Kasaysayan ng Kalookan

Noong panahon ng pananakop ng Kastila, isa lamang maliit na baryo ang Kalookan na tinawag na Arohamah o Libis Espina. Karamihan sa mga naninirahan dito ay pawang mga mangingisda, ang iba naman ay nagtatanim. Nagsimula ang pangalang Kalookan sa Tagalog na salitang “look” dahil sa malapit ito sa Look ng Maynila. Noong 1802, dumami ang mga naninirahan dito at naging isang bayan noong 1815 kung kailan lumawak din ang nasasakupang teritoryo.

Matapos ang ilang taon, naging mabili ang mga produktong nagmumula sa Kalookan para sa mga mangangalakal na taga-Maynila at Acapulco. Noong Pebrero 23, 1892, binuksan ang tren na bumibiyahe mula Maynila hanggang Mabalacat, Pampanga at Dagupan na nagbukas ng maramipang oportunidad para sa mga mamamayan ng Kalookan.

Noong 1961, sa pamamagitan ng isang plebesito, ginawang lungsod ang munisipyo ng Kalookan.

Pagdiriwang

Nagkakaroon ng paligsahan sa pagsayaw na gamit ang pamaypay sa pagdiriwang na ito. Ipinakikita rito ang iba't ibang klase ng pamaypay na may iba't ibang hugis at kulay na siyang sumisimbulo sa makulay na kasaysayan at mayamang tradisyon ng mga taga-Kalookan sa paggamit ng pamaypay sa iba't ibang paraan.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Pamaypay Festival