Palimbang Massacre

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Malisbong Masjid Massacre o kilala rin bilang Palimbang Massacre ay ang pagpatay sa mga Muslim ng mga sundalong Pilipino noong ika-24 ng Setyembre 1974 sa pamayanan ng Malisbong sa bayan ng Palimbang sa Sultan Kudarat sa Mindanao.

Ayon sa ulat mula sa Moro Women's Center sa General Santos City, aabot sa 1,500 lalaking Muslim na may edad 11 hanggang 70 ang pinatay sa loob ng isang mosque, habang nasa 3,000 babae at bata na may edad 9 hanggang 60 ang ikinulong. Ginahasa rin umano ang mga babae at sinunog ang nasa 300 bahay sa pamayanan. Nangyari ang insidente dalawang taon matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang batas militar sa Pilipinas.

Nagsimula ang insidente matapos ang unang apat na araw ng Ramadan nang dumating ang mga sundalo sa lugar at hinuli ang mga opisyal ng barangay at 1,000 iba pang mga Muslim. Nangyari ang pagpatay sa loob ng mahigit isang buwan. Ayon sa mga testimonya, pinaghuhubad ang mga biktima at pinaghuhukay ng sarili nilang libingan bago barilin.

Danyos sa mga Biktima

Noong 2011, humingi ng danyos ang Moro Islamic Liberation Front para sa mga Muslim na biktima ng batas militar matapos ang pamimigay ng nasa $7.5 milyon para sa mahigit 1,000 indibidwal na nagpila ng kaso laban sa mga Marcos. Ayon sa MILF, libo libong mga Muslim ang namatay sa mga masaker sa Mindanao, katulad ng nangyari sa Malisbong, na ginawa ng mga sundalo at mga mga grupong paramilitar sa panahon ng batas militar. Kabilang sa mga insidenteng ito ang Manilia Massacre, Kauswagan Massacre, Tictapul Massacre, Patikul Massacre at Pata Island Massacre. Noong 2014, kinilala ng pamahalaan ang nasa 1,5000 residenteng muslim ng Malisbong bilang mga biktima ng batas militar. Nauna nang itinanggi nina Rigoberto Tiglao at Juan Ponce Enrile na nangyari ang insidente.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.