Palawan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Palawan ay pulong lalawigan na matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Lungsod Puerto Prinsesa ang kabesera nito. Ang mga pulo ng Palawan ay mulang Mindoro hanggang Borneo sa timog-kanluran. Ito ay nasa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilagang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan. Ang Palawan ay hango sa pulong Palawan na siyang pinakamalaking pulo sa lalawigang ito

Nahahati ang Palawan sa 23 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Palawan ang Abutan, Agutaya, Araceli, Balabac, Bataraza, Brooke's Point, Busuanga, Cagayancillo, Coron, Culion, Dumaran, El Nido, Kalayaan, Linapacan, Magsaysay, Narra, Quezon, Rizal, Roxas, San Vicente, Sofronio Española, at Taytay. Puerto Prinsesa ang nag-iisang lungsod nito.

Rehiyon

  • Dating bahagi ng Rehiyon ng Timog-Katagalugan ang Palawan.
  • Sa bisa ng isang referendum noong 2001 ay tinanggihang maging bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Palawan
  • Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap bilang 103 noong 17 Mayo 2002 ay hinati ang Rehiyon IV sa dalawa. Ang Palawan ay itinatag muli at naging bahagi ng Rehiyon ng MIMAROPA.
  • Sa bisa ng Kautusang Administratibo bilang 429 ay inilipat ang Palawan sa Rehiyon VI ngunit hindi nagustuhan ng mga Palaweños ang hakbang na ito dahil hindi sila kinunsulta at halos lahat ng mga taga- Palawan maliban sa isang munisipalidad ay nais manatili bilang bahagi ng Rehiyon IV.
  • Ipinalabas ang Kautusang Administratibo bilang 129 noong 23 Mayo 2005 upang pigilin ang Kautusang Tagapagpaganap bilang 429 na nagsasaad ng planong paglipat ng Palawan sa Rehiyon VI mula sa Rehiyon IV-B, kung kaya ang Palawan ay bahagi pa rin ngayon ng Rehiyon IV-B.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Palawan Palawan Palawan Palawan Palawan Palawan Palawan