Pagtatanggol sa Kababaihan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang Coalition Against Trafficking of Women in Asia-Pacific (CATW-AP) ay isang di-gobyernong organisasyong kasapi ng CATW International na nagtataguyod ng karapatan ng mga babae at nagbabantay sa mga biktima ng prostitusyon at karahasan sa Rehiyong Asya-Pasipiko. Ito ay itinatag noong Abril 1993 sa Lungsod Maynila.

Deskripsiyon

Ang CATW-AP ay isang pandaigdigang network ng samahang kababaihan at indibiduwal na pumipigil sa pagkakapariwara ng mga babae sa mundo. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa ay nagkakaroon ng kaalaman ang lahat tungkol sa prostitusyon, pornograpiya, at pagkalakal sa mga babae. Sa kaalamang ito, nakagagawa ng paraan ang mga kinauukulan upang ang mga nabanggit na usapin ay mabigyang pansin, masubaybayan, at magawan ng solusyon. Ito ay nasa pangalawang kategorya ng kailangang bigyang pansin ng UN Economic and Social Council simula pa noong 1989.

Mithiin

  • Maitaguyod ang karapatan ng mga babae at mapigil ang pandaigdigang pananamantala at karahasan sa kanila;
  • Magsikap na maimpluwensiyahan ang desisyon ng mga mambabatas ukol sa pananamantala sa kababaihan sa mga sangay ng United Nations at iba pang pandaigdigang kapulungan;
  • Makagawa ng saliksik ukol sa sanhi, estilo, at epekto ng prostitusyon at pagpupuslit ng mga babae;
  • Makiisa sa buong mundo sa pagsugpo ng pananamantala at karahasan sa kababaihan;
  • Matulungan ang mga babaeng biktima ng karahasan at pananamantala na makabangon at makapagsimula ng bagong buhay.

Batas na Sinuportahan

Batas Republika 9208 — ang batas na nagpapatibay sa mga patakaran upang masugpo ang pagpupuslit ng mga babae at bata, at sa mga institusyong makapagbibigay proteksiyon sa mga biktima, samantalang nagbibigay ng karampatang parusa sa mga lumalabag sa batas na ito at iba pang layunin.

Panukalang Batas Kontra Prostitusyon — tumutugon sa sistema ng prostitusyon, nagbibigay ng kaukulang parusa at multa sa mga nagkasala, nagbibigay ng proteksiyon at suporta sa mga biktima ng prostitusyon, at nagpapawalang-sala sa mga nabagansiya na siyang layunin ng Artikulo 202 at 341 ng Binagong Kodigo Penal, samantalang nagpapatibay ng Batas Republika 9208 at iba pang layunin.

Mga Talumpati at Kasulatan

Ito ang ilan sa mga talumpati at kasulatang naisulat ukol sa pananamantala sa mga babae:

  • "Rethinking Masculinity: Educating Young Men to Reduce the Demand Side of Trafficking," ni Jean Enriquez, Maynila, Pilipinas, noong Pebrero 2005.
  • "Trafficking of Women and Children," ni Jean Enriquez, Maynila, Pilipinas, noong Abril 2003.
  • "Filipinas in Prostitution around U.S. Military Bases in Korea: A Recurring Nightmare," ni Jean Enriquez, sa Seoul, Timog Korea, noong Nobyembre 1999.
  • "The Asian Financial Crisis and Prostitution: A Question of Pragmatics and Ideology," ni Jean Enriquez, sa Bonn, Aleman, noong Nobyembre 1998.
  • "Macro-Economic Exploitation and their Impact on Sexual Exploitation and Trafficking of Women and Girls: Issues, Responses and Challenges," ni Aurora Javate De Dios, sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong Oktubre 1998.
  • "Myopia and The Sex Sector: Looking deeper into the Root Causes of Prostitution," ni Susan Ozawa, Maynila, Pilipinas, noong Agosto 1998.
  • "Prostitution and the Bases: A Continuing Saga of Exploitation," nina Aida Santos at Cecilia Hofmann, sa pag-alalay ni Alma Bulawan, Maynila, Pilipinas, noong Mayo 1998.
  • "Patriarchy, Poverty, Prostitution and HIV/AIDS, The Philippine Experience," ni Aida Santos, Maynila, Pilipinas, noong Oktubre 1997.
  • "SEX: From Human Intimacy to “sexual labor” Or is prostitution a human right?," ni Cecilia Hofmann, Maynila, Pilipinas, noong Agosto 1997.

Mga Tagumpay

Noong Nobyembre 2007, sa pang-anibersaryong edisyon ng babasahing Marie Claire Philippines, itinampok ang 10 Magagaling na Pilipina na nakagawa ng pangalan sa kani-kanilang larangan, mga babaeng simbolo ng kaunlaran, katapangan, at katatagan. Kabilang dito sina Lea Salonga, Maria Ressa, Emily Abrera, Gaita Fores, Lizzie Zobel, Gilda Cordero-Fernando, Cheche Lazaro, Lisa Macuja-Elizalde, Angel Aquino, Luchi Cruz-Valdez, Laura Verallo de Bertotto, and Jean Enriquez.

Si Jean Enriquez na kasalukuyang pinuno ng CATW-AP ay napili dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagbibigay ng kahalagahan sa mga babae. Dahil sa kaniyang pagpupunyagi, kasama ang CATW-AP, naipasa noong 26 Mayo 2003 ang Panukalang Batas Kontra sa Pagpupuslit ng mga Babae sa Senado ng Pilipinas[1]

Sanggunian

Mga Panlabas na Kawing

  • Hango sa Directory of Non-Government Organizations Working on Women. Publication of the National Commission on the Role of Filipino Women; Copyright 2007.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.