Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Mga OFW sa Brunei

Nagsimula sa bilang na libu-libo lamang hanggang sa umabot sa mahigit limang milyon, sinasabing kamangha-mangha ang pag-angat ng bilang ng mangagawang Pinoy sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, tinatayang ang Pilipinas ay may walong milyong OFWs. Ang bilang na ito ay patungkol sa mga "documented OFWs" o para sa mga mayroong mga legal na dokumento upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Kategorya

Ayon sa pag-aaral, may tatlong kategorya ang mga OFWs. Una, ang mga tinatawag na “temporary” OFWs na ayon sa ulat ng Komisyon ay kinabibilangan ng manggagawang Pinoy na ang pananatili sa ibang bansa ay may kinalaman sa pagtatrabaho at inaasahang magbabalik sa bansa matapos ang kanilang kontrata. Ikalawa ay ang mga "irregular" OFWs na tumutungkol sa mga OFWs na hindi wasto ang mga dokumento o kaya ay walang bisa ang paninirahan at permiso upang makapagtrabaho sa naturang bansa. Maaari ding tumutukoy ito sa mga OFWs na lumampas na sa taning ng kanilang pamamalagi sa ibang bansa.

Ang ikatlong kategorya ay ang mga "permanent" OFWs kasama na ang mga imigrante o "legal permanent residents" na nasa ibang bansa na ang pananatili doon ay hindi nakadepende sa kontrata ng pagtatrabaho. Umaabot sila sa bilang na 3.2 milyon noong 2004 na umabot sa kabuuang 8.1 million overseas Filipinos.

Sinasabing ang pagtaas ng bilang ng mga OFWs, may tatlumpung (30) taon na ang nakararan ay nagsimula bilang isang paraan lamang upang matugunan ang kawalan ng trabaho sa bansa at ang tumitinding kahirapan. Ngayon, ito ay naging napakalawak na proyekto na ng gobyerno na siyang tumututulong sa pag-aangat ng kabuhayan ng bansa.

Kasipagan, Katapatan at Determinasyon

Hindi lamang sa Saudi Arabia kilala ang mga Filipino sa pagiging epektibo at mahuhusay na manggagawa kundi maging sa ibang panig man ng mundo. Basta Pinoy, Kilala na sa pagiging propesyunal at "quality workers". Pinasasalamatan at pinahahalagahan sila ng kumpanyang kanilang pinaglilingkuran dahil sa kanilang kahusayan, kasipagan, at pagkakaroon ng kawili-wiling personalidad, pagiging matiyaga at pagkakaroon ng disiplina. Paano nga ba kung mawawala ang mga Filipino? Kung huminto sila sa paggawa o mag-aklas, sino na ang magbibiyahe ng langis, pagkain at mabibigat na kagamitan sa ibang lugar ng mundo?

Iba Talaga Pag Pinoy

Kakaiba ang talento ng mga Filipino. May maigting silang abilidad sa pagsasalita ng Ingles bukod pa sa mga pinagdaanang teknikal na pagsasanay. May mga paaralan sa Pilipinas kung saan maaaring magpakadalubhasa para sa isang naturang propesyon at iba pang kasanayan na siyang kailangan ng maraming kumpanya sa ibang bansa.

Ang Pilipinas ay tahanan ng 190 akreditadong kolehiyo at institusyon ng mga nurses kung saan may 9000 bilang ng mga nurses ang nagtatapos bawat taon. Karamihan sa kanila ay nakapagtrabaho na sa mga bansang gaya ng US, Uk, at Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait at Singapore.

Sanggunian

  • Questia. (hinango noong Oktubre 3,2008).
  • GMA News. (hinango noong Oktubre 3, 2008).
  • Inquirer. (hinango noong Oktubre 3, 2008).
  • Sunstar. (hinango noong Oktubre 3, 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.