Pagbitay kay Jose Rizal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Matapos madawit ang pangalan ni Jose Rizal sa himagsikan, ipinag-utos ng mga Espanyol ang pagbitay sa kanya. Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway. 

Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang sumigaw ng "Viva" at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: "Consummatum est"—natapos na.

Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na "RPJ" - mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.

Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin. Sa kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Tavera na ibabalik din pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. "Tingnan din ang aking sapatos", kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.

Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: "Turingan ang may-edad nating magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30 Disyembre, 1896." Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing: "Ilibing ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong gawin. Walang paggunita."

Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: "Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na konsiyensiya." Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa isang matalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.

Mga Sanggunian

  • Alvarez, S.V., 1992, Recalling the Revolution, Madison: Center for Southeast Asia Studies, University of Wisconsin-Madison
  • Coates, Austin, Rizal: Philippine Nationalist and Martyr (London: Oxford University Press, 1968) 
  • Russell, Charles Edward; Rodriguez, Eulogio Balan (1923). The hero of the Filipinos: the story of José Rizal, poet, patriot and martyr. The Century co.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.