Pag-atake ng Hika

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Karaniwang nagaganap ang pag-atake ng hika kapag may anumang bagay na nagtutulak dito kagaya ng allergy, malamig na hangin, ehersisyo o isang impeksyon. Kapag umaatake ang hika, ang malaki at maliit na pasukan at labasan ng hangin na siyang nagdadala ng hangin paloob at palabas ng baga ay pinasisikip ng pamumulikat ng kalamnan.Ang mucous membrane lining ay namamaga at kumakapal na siyang nagiging dahilan ng pamumuo ng malagkit na sipon. ang sipon na ito ay lalong hinihigpitan ang pag-ikot ng hangin paloob at palabas ng katawan.Ang pagbibigay ng pangunahing lunas at tulong-medikal ay kinakailangan upang makapagligtas ng buhay.

Kalimitan nang sintomas ng pag-atake ng hika ay ang paghahatsing, tumutulong sipon mula sa ilong, at paninikip ng paghinga. Kapag nakalanghap ng alikabok, o nakaiiritang mga amoy ay maaaring makapagsimula ng atake.

Karaniwang idinadaing ng pasyenteng may hika ay ang hirap na paghinga o ang paghinga ng pahingasing, ngunit hindi lahat ng may hika ay may wheeze.Mahalagang makita kung may tuyot na pag-ubo lalo na sa gabi, hirap kung nagsasalita at may pangangasul ng mga labi. Kapag umaatake ang hika, ipinapayo ang mga sumusunod:

  • Tulungan ang pasyente na magkaroon ng isang komportableng posisyon sa pag-upo.Ang pagsandal sa upuan nang pasulong na may suporta ng mga bisig ay makatutulong upang mabawasan ang hirap sa paghinga at pinatataas ang kakanyahan ng baga. Mahalaga ang muling pagbibigay-katiyakan o pagpapanumbalik ng pagtitiwala sa pasyente.
  • Kung may gamot ang pasyente na inireseta ng doktor upang maibsan ang atake ng hika, tulungan siyang magamit ito. Karaniwan na ito ay isang puffer spray. Kapag nagiging malubha ang pag-atake, tantiyahin kung kinakailangan nang dalhin ito sa pagamutan.
  • Kung dapat nang tumawag ng ambulansiya, tulungan ang biktima habang hinihintay ang pagdating nito.Kung kinakailangan, bigyan ng apat na puffs bilang pampakalma tuwing ikaapat na minuto sa pamamagitan ng spacer deviceupang makasiguro na mayroong kumpletong dosis na natanggap ang pasyente.
  • Kapag nawalan ng malay-tao ang pasyente,bigyan siya ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) kung kinakailangan bilang pangunahing lunas hanggang sa dumating ang ambulansiya.

Sanggunian

  • Home Emergency Medical Guide. Reader's Digest(Australia)Pty Limited. Surry Hills, NSW:1999
  • Modern Medical Counselor. Pacific Press Publishing Association. Mountain View, California:1951

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.