Pag-asa (agila)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Pag-asa (15 Enero 1992 - 6 Enero 2021) ay ang unang Philippine eagle na nabuo at ipinanganak sa pangangalaga ng Philippine Eagle Foundation

Buhay at Kapanganakan

Nabuo si Pag-asa sa pamamagitan ng cooperative artificial insemination na isinagawa ng Philippine eagle Foundation matapos ang labingapat na taon ng pananaliksik. Siya ang unang anak ng mga agilang sina Diola at Junior. Ang 29 taong gulang na si Diola ang nangitlog at si Junior, na natagpuan sa Agusan, ang nagbigay ng sperm. Nilimliman ni Diola ang itlog sa loob ng 12 araw bago ito inilipat sa isang incubator, na nagpataas sa tsansa ng pagkabuo at pagkapisa nito.

Napisa si Pag-asa 10:40 ng gabi noong ika-15 ng Enero 1992 sa Philippine Eagle Center sa Davao City. May bigat siyang 134.6 gramo. Pinangalanan siyang "Pag-asa" o "hope" sa Ingles. Tumaas ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga sa mga Philippine eagle matapos ipanganak si Pag-asa.

Noong ika-9 ng Pebrero 2013, ipinanganak ang unang naging anak ni Pag-asa sa pamamagitan ng artificial insemination. Pinangalanan itong "Mabuhay" at siyang unang anak ng isang agilang "bred in captivity".

Namatay si Pag-asa noong ika-6 ng Enero, 2021 sa edad 28 dahil sa impeksyon sanhi ng trichomoniasis at aspergillosis.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.