Pag-aalsa sa Oakwood

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang pag-aalsa sa Oakwood (Mas kilala sa pangalan nito sa Ingles bilang Oakwood mutiny) ay naganap sa Pilipinas noong Hulyo 27, 2003. Isang pangkat ng 321 nakasandatang mga sundalo ang tinawag ang kanilang mga sarili bilang ang mga "Mga Bagong Katipunero" na pinamumunuan nina Hukbong Kapitan Gerardo Gambala at Teniente de Navío Antonio Trillanes IV ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang nag-alsa sa Oakwood Premier Ayala Center (ngayon ay Ascott Makati) pinagsisilbihang toreang pang-apartment sa Lungsod ng Makati para ipakita sa mga Pilipino ang sinasabing katiwalian sa panunungkulan ni Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsasabi rin sila na nakakita sila ng mga hudyat na magsasabatas at magpapahayag ng isang batas militar ang Pangulo.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Pag-aalsa sa Oakwood. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.