Padre Salvi

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Padre Bernardo Salvi ay isang kathang-isip na Pransiskanong prayle at isa sa mga pangunahing tauhan sa mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Si Padre Salvi ay inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip.[1]

Sa Noli Me Tangere

Si Padre Salvi ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Siya ay inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may iniisip.[1] Siya ay may lihim na pagnanasa kay Maria Clara, ang kasintahan ng bidang si Crisostomo Ibarra. Dagdag pa rito, siya rin ang nagplano sa istruktura ng paaralang ipapatayo na siyang muntikang maging sanhi ng pagkamatay ni Ibarra. [1]

Sa nobela, pinaniniwalaan ng karamihan na si Padre Damaso ang kontrabida. Subalit ayon sa historyador na si Ambeth Ocampo, ang tunay na kontrabida sa nobela ay si Padre Salvi na siyang nagtangkang kitilin ang buhay ni Ibarra gayundin ang lihim niyang pagnanasa kay Maria Clara. [2]

Sa El Filibusterismo

Hindi nagbago ang paglalarawan kay Padre Salvi sa nobelang ito. Isa pa rin siyang payat at malungkuting prayle. Siya ang namamahala sa kumbento ng Sta. Clara. Siya rin ang nagpadala ng sulat na naglalaman ng kuwento tungkol sa pagkamatay ni Maria Clara. [3]

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948) p.56-57, hinango noong: 31 Mayo 2011 Cite error: Invalid <ref> tag; name "prince" defined multiple times with different content
  2. Damaso: Fact and Fiction ni Ambeth Ocampo binisita noong: 2 Hunyo 2011
  3. Rizal, Jose. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).



Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.