Padre Millon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Padre Millon ay ang guro ng pisika at heograpiya sa nobelang El filibusterismo ni Jose Rizal. Isa siyang Dominikong prayle na may mataas na tungkulin sa paaralan ng San Juan de Letran. Kilala siya bilang dalubhasa sa pakikipagdebate at mabuting pilosopo. Siya ay nabibilang sa mga hindi pangkaraniwang propesor sapagkat sa halip na siya ang tinatanong ay siya ang nagtatanong at ang nakakatalos ng mabuti ng wikang Kastila ay wala ng pagsusulit sa wakas ng taon.

Sa Kabanata 13 ng nobela, ipinapakita ang baluktot na sistema ng edukasyon sa Pilipinas na makikita sa paraan ng pagtuturo ng mga propesor at sa dami ng estudyante sa isang klase. [1]

Sanggunian

  1. Rizal, Jose. Kabanata13. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).

Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.