Padre Florentino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Padre Florentino ay isa sa mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay isang anak-mayamang klerigo na napilitang magpari dahil sa pamimilit ng kaniyang ina at dahil na rin sa pagmamahal niya rito. Siya ay naging pari sa gulang na 25 ngunit nang maganap ang pagbitay sa tatlong pari (Gomburza) noong 1872, agad siyang nagretiro.

Mula noon ay namuhay siya nang mapayapa sa lupaing nasa tabi ng dagat na minana sa ina. Inampon din niya ang pamangkin na si Isagani.

Sa wakas ng nobela, siya ang tumulong sa sugatang si Simoun. Gayunman, mas pinili ng binata na mamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili.

Si Padre Florentino ang nagtapon ng maleta ni Simoun sa karagatan na punong-puno ng kayamanan.

Sanggunian

Jose Rizal, salin ni Virgilio S. Almario. El Filibusterismo. (Quezon City: Adarna House, 1998), mp. 293–302.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.