Paciano Rizal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Paciano Mercado Rizal (7 March 1851 – 13 April 1930) ay isang rebolusyonaryong Pilipino na namuno ng puwersang militar sa Laguna noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang nakatatandang kapatid ng pambansang bayani na si Jose Rizal. Bilang estudyante ni Padre Jose Burgos, siya ay na-impluwensyahan ng mga ideolohiya ng nabanggit na pari -- ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip at ang hayagang pagkondena sa mga pang-aabuso ng mga prayle.

Bukod sa pagiging nag-iisang kapatid na lalaki tumayo rin bilang ikalawang ama ni Jose si Paciano. Katulad ng kanilang amang si Francisco, naging magsasaka si Paciano. Siya ang unang nakaisip na ipadala si Jose sa Espanya para mag-aral.

Matapos ang pagkamatay ni Jose, sumali sa himagsikan si Paciano at naging isang heneral. Matapos ang himagsikan, nagretiro si Paciano sa kaniyang sakahan sa Los Baños, Laguna kung saan siya namuhay bilang isang magsasaka. Namatay siya noong ika-13 ng Abril, 1930.

Mga Sanggunian

"The Mercado – Rizal Family"

"Southern Luzon and Bicol: Paciano Rizal." Unsung Heroes of the Philippines Revolution - MSC Communications, Inc. (accessed on August 3, 2007).

Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.