PNoy nilagdaan na ang K to 12 bill

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Pormal ng pinirmahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III (PNoy) at isinabatas ang Republic Act 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013”. Itinatakda ng batas na ito ang pagdagdag ng tatlo pang taon sa kasalakuyang 10 taong basic education program, mula sa “universal kindergarten” hanggang Grades 11 at 12. Pinaiigting din ng batas na ito ang paggamit ng salitang Tagalog sa mga paaralan, mula kindergarten hanggang Grade 3, upang mas mabilis at higit na maintindihan ng mga estudyante ang mga pangunahing konsepto.

Nagsimula na ang implementasyon ng nasabing batas noong nakaraang taon kung saan ipinatupad ang curriculum para sa Grades 1 at 7. Ang bagong curriculum naman para sa Grades 2 at 8 ay ipatutupad ngayong school year (AY 2013-2014). Ang nasabing batas ay magkakaroon ng full implementation sa 2016.

Dinisenyo ang K to 12 program upang malinis at maisaayos ang lumang curriculum, mapagbuti ang kalidad ng pagtuturo, at maparami ang job opportunities at pagkaunti ng job mismatch.

Upang mapagbuti ang bagong curriculum, sinimulan ng gamitin ang ladderized approach na kaalinsabay ng Understanding by Design (UbD) framework. Hinahayaan ng nabanggit na framework ang mga mag-aaral na ituon ang atensiyon sa mga mahahalagang aralin upang higit na maturuan at masukat ang kaalaman ng mga estudyante.

Maiiwasan din ang job-skills mismatch sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na pumili ng electives na kailangan sa mga in-demand industries upang higit na masiguro ang pagkakaroon agad ng trabaho matapos silang magtapos sa pag-aaral.


Balita mula sa The Philippine Online Chronicles.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.