Oriental Mindoro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon ang Oriental Mindoro. Lungsod Calapan ang kabisera nito. Ang silangang bahagi ng pulo ng Mindoro ay okupado ng Oriental Mindoro, habang ang kanlurang bahagi ay okupado ng Occidental Mindoro. Nasa kanang bahagi ng Oriental Mindoro ang Dagat Sibuyan at Romblon, habang nasa hilagang bahagi ang Batangas at nasa timog ang mga pulo ng Semirara ng Antique.

Nahahati sa 26 na munisipalidad at isang lungsod ang Oriental Mindoro. Kabilang sa munisipalidad nito ang Baco, Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, Puerto Galera, Roxas, San Teodoro, Socorro, at Victoria. Calapan ang nag-iisang lungsod ng Oriental Mindoro.

Destinasyon ng mga turista ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. Ilang oras lamang ang biyahe mula Maynila papuntang Puerto Galera na kilala sa pagkakaroon ng puting dalampasigan, iba't-ibang resort, at mga pook sisiran.

Pinagmulan

Dumating ang mga Espanyol sa Mindoro noong siglo16 at pinangasiwaan ito bilang bahagi ng Batangas. Ang Mindoro ay ganap na naging lalawigan noong 1921. Hinati ang Mindoro noong 1950 sa dalawang bahagi, ang Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Wika

Tagalog ang pangunahing wika ng taga-Oriental Mindoro. Sumunod ang Ilokano at Cebuano. Kabilang sa mga wika ng etnikong pangkat na Mangyan ang Arayan, Alagnan, Buhid, Hunuo, at Tadyawan. Ingles ang ginagamit na wika sa edukasyon sa Oriental Mindoro.

Sanggunian

Oriental Mindoro-Wow Philippines (hinango noong 20 Nobyembre 2007).==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Oriental Mindoro Oriental Mindoro Oriental Mindoro Oriental Mindoro Oriental Mindoro Oriental Mindoro