Orestes Ojeda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Orestes Ojeda.

Si Orestes Ojeda (3 Enero 1956 - 27 Hulyo 2021) ay isang Pilipinong aktor sa pelikula at telebisyon.

Ipinanangak siya bilang Luis C. Pagalilauan noong ika-3 ng Enero 1956 sa Cagayan Valley. Nag-aral siya sa Philippine School of Business Administration. Bahagi siya ng koponan ng basketball noong nasa kolehiyo at nakatakda sanang maging propesyunal na manlalaro bago siya nagdesisyong maging aktor.

Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz sa edad na 17 matapos kumbinsihin ng direktor na si Joey Gosiengfiao. Una siyang lumabas sa pelikulang Zoom, Zoom, Superman! noong 1973 bilang isang supporting actor. Lumabas rin siya sa mga pelikulang 'Sunugin Ang Samar (1974), Isang Gabi, Tatlong Babae! (1974), May Isang Tsuper Ng Taksi (1975) Ang Boyfriend Kong Baduy (1976) at Divino (1976). Ginampanan niya ang lead role na isang pari sa Pagsambang Bayan (1977).

Kabilang din siya sa pelikulang Manila By Night ng batikang direktor at National Artist na si Ishmael Bernal noong 1980. Noong 1983, naging nahagi siya Broken Marriage, at The Graduates noong 1986. Noong 1977, bahagi siya ng pelikulang Inay ni Lino Brocka. Noong 1985, naging bahagi siya ng Scorpio Nights ni Peque Gallaga. Ginampanan niya ang papel ng asawang guawardiya ni Anna Marie Gutierrez na nagkaroon ng relasyon sa estudyanteng si Daniel Fernando. Noong 1986, naging bahagi siya ng pelikulang Dingding Lang Ang Pagitan kasama si Maria Isabel Lopez.

Naging bahagi rin siya ng pelikulang '"Sanib noong 2003, Dekada '70 noong 2002 at Mano Po 2:My Home noong 2003. Sa kabuuan, lumabas siya sa mahigit 115 na mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Pumanaw si Ojeda noong ika-27 ng Hulyo 2021 sa edad na 65 dahil sa pancreatic cancer.

Mga Piling Pelikula at Palabas sa Telebisyon

  • Te Amo, Maging Sino Ka Man TV series (2004)
  • Kuya (2004)
  • Mano Po 2: My Home (2003)
  • Sanib (2003)
  • Dekada '70 (film) (2002)
  • Pistolero (2002)
  • Hesus Rebolusyunaryo (2002)
  • Masikip Na Ang Mundo Mo, Labrador (2001)
  • Oras Na Para Lumaban (2001)
  • Katayan (2000)
  • Most Wanted (2000)
  • Eksperto: Ako Ang Sasagupa! (2000)
  • Markado (1999)
  • Sige, Subukan Mo (1998)
  • Babae Sa Dalampasigan (1997)
  • Tierra Sangre (TV series) (1996)
  • Seth Corteza (1996)
  • Bocaue Pagoda Tragedy (1995)
  • Binibini Ng Aking Panaginip (1994)
  • Aguinaldo (1993)
  • Sinungaling Mong Puso (1992)
  • Shotgun Banjo: Mahal na Mahal Kita (1992)
  • Big Boy Bato: Kilabot ng Kankaloo (1992)
  • Maging Sino Ka Man (1991)
  • Hindi Kita Iiwanang Buhay: Kapitan Paile (1990)
  • Walang Piring Ang Katarungan (1990)
  • SGT. Patalinhug C.I.S. (1990)
  • Beautiful Girl (1990)
  • Moises Platon (1989)
  • Walang Panginoon (1989)
  • Diligin Ng Suka Ang Uhaw Na Lumpia (1987)
  • Dingding Lang Ang Pagitan (1986)
  • Scorpio Nights (1985)
  • Tender Age (1984)
  • Broken Marriage (1983)
  • Diary Of Cristina Gaston (1982)
  • Sisang Tabak (1981)
  • City After Dark (1980)
  • Kambal Sa Uma (1979)
  • Mga Paru-parong Ligaw (1978)
  • Huwag Hamakin Hostess (1978)
  • Pang Umaga, Pang Tanghali, Pang Gabi (1977)
  • Ang Boyfriend Kong Baduy (1976)
  • Lulubog Lilitaw Sa Ilalim Ng Tulay (1975)
  • Sunugin ang Samar (1974)
  • Zoom, Zoom, Superman! (1974)

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.