Operasyon Militar sa Manila Peninsula

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Nangyari ang Operasyon Militar sa Manila Peninsula noong ika-29 ng Nobyembre, 2007 sa The Peninsula Manila hotel sa Makati. Sa araw na ito, umalis sina Antonio Trillanes IV, Brigadier General Danilo Lim at 25 iba pang opisyales ng Magdalo sa kanilang paglilitis at nagmartsa sa kalsada sa Makati.

Ipinanawagan ng mga nag-alsang sundalo ang pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasabay ng kanilang pananatili sa Rizal function room sa ikalawang palapag ng Peninsula hotel sa Ayala Avenue.

Bukod sa mga sundalo, sumama rin sa pagmartsa papunta sa hotel ang ilan pang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines, maging si dating bise presidente Teofisto Guingona Jr..

Matapos ang ilang oras, sumuko sina Trillanes at Lim matapos lusubin ng puwersa ng gobyerno ang lobby ng nasabing hotel. Dinakip sina Trillanes at iba pang nag-alsang sundalo, habang na-detine rin ang ilang mga mamamahayag na nasa hotel.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.