One More Chance

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang One More Chance na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isang romantikong pelikula na tumatalakay sa isang komplikadong sitwasyon sa pagibiigan ng dalawang taong nagmamahalan. Ang suliranin sa pagdedesisyon kung ipagpapatuloy pa ba ang dating pagiibigan o limutin na ito ng tuluyan ang sanhi ng komplikasyon sa pelikulang ito.

Lagom

Nagaaral pa lamang ay magkasintahan na sina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo). Iisang grupo ng kaibigan ang kanilang kinabibilangan, boto ang pamilya ng bawat isa sa relasyon nilang dalawa at kahit sa trabaho ay parehong kumpanya ang kanilang pinasukan.

Dumating ang oras na nakipaghiwalay si Basha kay Popoy dahil nais nitong makawala sa anino ng kasintahan at gusto niyang maramdaman ang mamuhay na hindi lagi dumedepende kay Popoy.

Dinamdam masyado ni Popoy ang pagalis ni Basha ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay muli siyang nakahanap ng bagong babaeng mamahalin sa pagkatao ni Trisha (Maja Salvador).

Nang muling pinagtagpo ang landas ng dalawa, napaisip si Basha kung tama ba ang naging desisyon niya noon na iwan si Popoy kahit batid niyang hindi pa rin lumilipas ang pagtingin niya sa binata. Dito nagsimula ang madamdamin at emosyonal na komplikasyon sa istorya. Kailangan nilang magdesisyon kung tuluyan na ba nilang tatalikuran ang pagibig nila sa isa't isa o bigyan pa ulit ito ng isa pang pagkakataon.

Mga Gumanap

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.