Olongapo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Olongapo ay isang lungsod sa lalawigan ng Zambales, Pilipinas. Ayon sa sesno ng 2015, ito ay may populasyon na 233,040 sa may 55,265 na kabahayan.

Etimolohiya

Sabi sa isang alamat, may isang dating tribu ng mga katutubo na naninirahan sa ngayon ay modernong siyudad. Mayroon isang matanda na tinatawag na "Apo". Siya ay kinalulugdan ng lahat ng tao sa baryo na pinanggalingan niya, nais niyang pag-isahin ang naturang tribu. Ngunit, ang mga karatig-bayan nila ay naiinggit sa Apo kaya noong isang araw, ay biglang nawala ang matanda.

Matapos ang mahabang paghahanap, ay natagpuan ang katawan ng Apo, subalit ang ulo ng naturang matanda (Apo) ay nawawala. Ayon sa Sambal ang pagpugot ng ulo nito ay isinagawa upang matigil ang balakin ng "Apo".

Natagpuan ang ulo ng matanda na nakatusok sa ituktok ng isang kawayan. Ipinagsigawan ng nakakita ang "Olo nin apo!" (Ang ulo ng Apo). Simula noon ay tinawag nilang "Ulo ng Apo" ang lugar na ito na sa katagalan ay naging Olongapo.

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Olongapo ay nahahati sa 17 mga barangay.

  • Asinan
  • Banicain
  • Barreto
  • East Bajac-bajac
  • East Tapinac
  • Gordon Heights
  • Kalaklan
  • Mabayuan
  • New Cabalan
  • New Ilalim
  • New Kababae
  • New Kalalake
  • Old Cabalan
  • Pag-asa
  • Santa Rita
  • West Bajac-bajac
  • West Tapinac

Mga Alkalde ng Olongapo

  • Ruben Dela Cruz Geronimo (Nob. 1959 - Mayo 1964 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Nob. 1964 - Hun. 1, 1966 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Hun. 1, 1966 - Peb. 20, 1967 bilang Alkaldeng Panglungsod)
  • Amelia Juico Gordon (Hun. 1967 - Hun. 30, 1972)
  • Geronimo "Momoy" Lipumano (Hul. 1972 - Mayo 1980)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1980 - Abr. 23, 1986) (unang termino)
  • Katherine "Kate" Gordon (Abr. 26, 1986 - Hun. 30, 1998)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1998 - Hun. 22, 2001) (pangalawang termino)
  • James Gordon, Jr. (Hun. 30, 2001 - Hun. 20, 2013)
  • Rolen Calixto Paulino, Sr. (Hun. 20, 2013 - Kasalukuyan)

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Olongapo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.