Occidental Mindoro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Occidental Mindoro ay nasa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Mamburao ang kabesera nito. Okupado ng Occidental Mindoro ang kaliwang bahagi ng pulo ng Mindoro, habang ang kanang bahagi ay okupado ng Oriental Mindoro. Ang Palawan ay nasa timog-kanluran ng Occidental Mindoro, habang ang Batangas ay nasa hilaga nito


Nahahati sa 11 munisipalidad ang Occidental Mindoro. Kabilang sa munisipalidad ang Abra de Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Magsaysay, Mamburao, Paluan, Rizal, Sablayan, San Jose, at Santa Cruz.

Ekonomiya

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Occidental Mindoro. Halos 80 porsiyento ng populasyon ay nagtatanim ng palay. Ang produksiyon ng palay ang nagiging basehan ng paglago o pagkalugi ng negosyo ng bigasan. Kabilang sa iba pang pananim ng lalawigan ang mais, sibuyas, luya, tabako, at mga gulay. Ang pangingisda ay isa ring pinagkukunan ng kita ng mga taga-Occidental Mindoro dahil sa laki ng baybaying-dagat nito.

Wika

Tagalog ang pangunahing wika ng 60.78 porsiyento ng mga taga-Occidental Mindoro. Sumusunod ang Ilokano at Kinaraya. Ang mga naghahanapbuhay ay nakauunawa at nakababasa ng Filipino at Ingles.

Sanggunian

National Statistics Office (hinango noong 16 Nobyembre 2007).
Province of Occidental Mindoro (hinango noong 16 Nobyembre 2007).
Wow Philipines (hinango noong 16 Nobyembre 2007).


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.