Obesity Prevention and Awareness Month

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Pagsasalarawan ng obesity at sukat ng baywang. Mula kaliwa pa-kanan: ang malusog o katamtamang tao na may 33 pulgada (84 cm) na baywang, "overweight" na tao na may 45 pulgada (114 cm) na baywang, at "obese" na tao na may 60 pulgada (152 cm) na baywang. Ito ay mula sa Dietary Guidelines Advisory Committee on the Dietary Guidelines for Americans (2000).

Ang Obesity Prevention and Awareness Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Sentro ng selebrasyon ang malabis na pagtaba at pagdami ng kaso ng "nutrition-related lifestyle diseases" at mga hindi nakahahawang sakit tulad ng alta-presyon, diyabetes, mga sakit sa puso, osteoporosis, at kanser, na dulot ng hindi malusog na pamumuhay at pag-uugali sa pagkain.

Layunin nitong hikayatin ang mga may ganitong problema, lalo na ang mga obese at overweight, na mamuhay ng natural at malusog. Nais pang palawigin ang kampanyang ito lalo na’t pabata nang pabata ang nagiging obese.

Karamihan ng mga programa at aktibidad ay ginagawa sa ikalawang linggo ng buwan.

Obesity

Ang obesity (o katabaan at sobrang pagkain) ay isang kondisyon na naiimpluwensyahan ng mga salik pang-asal, pangkalikasan at biyolohikal. Itinataas nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga sakit sa puso, alta-presyon, diyabetes, iba’t ibang anyo ng kanser, at iba pang mga kronikong sakit.

Sanggunian

Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.