Northern Samar

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Hilagang Samar (opisyal na pangalan: Northern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Catarman ang kabesera nito at matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Samar. Silangang Samar at Samar ang hangganan nito sa timog. Sorsogon naman sa hilagang-kanluran sa ibayo ng San Bernardino Strait; Dagat ng Pilipinas naman sa silangan at Dagat ng Samar sa kanluran.

Demograpiya

Ayon sa 2000 senso, 500,639 ang populasyon ng lalawigang ito. Ito ang ika-30 pinakamaliit na probinsiya sa Pilipinas. May densidad na 143 bawat km² (ika-25 pinakamaliit).

Kabilang sa mga wika na sinasalita dito ang Waray, Cebuano, Tagalog at Ingles

Heograpiya

Pampolitika

Nahahati ang Hilagang Samar sa 24 na bayan, may dalawang distritong kongresyunal at may 569 na mga barangay.

Mga Bayan

Pisikal

Ang probinsiyang ito ang ika-37 pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas na may 3,498 km² na sukat.

Kawing Panlabas