Noli de Castro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Noli de Castro

Si Manuel Leuterio de Castro, Jr. o mas nakilala ng publiko bilang si Noli de Castro ay ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ngunit nagsimulang sumikat bilang isang mamamahayag sa [[ABS-CBN Broadcasting hjgjhtghg

Pinagmulan

Ipinanganak siya noong ika-6 ng Hulyo 1949 sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro. Sa kanyang elelmentarya, nag-aral siya sa Pola Central School at nagtapos noong 1963. Matapos noon ay nag-aral naman siya ng hayskul sa Pola Catholic School at nakatapos naman noong 1967. Sa kanyang kolehiyo, siya ay kumuha ng Bachelor of Commerce, Major in Banking and Finance.

Ikinasal siya kay Arlene Sinsuat - de Castro at nagkaroon sila ng tatlong mga anak. Sina Manueli de Castro - Arcaya, Shamier de Castro at Katherine de Castro, na isa ring mamamahayag sa ABS-CBN.

Si de Castro ay isang Katoliko. Naging panata na niya ang pagpunta sa Pista ng Itim na Nazareno (Black Nazarene) na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero. Sumasali siya sa mga bumubuhat rito. Kung kaya naman sa mga unang taon ng kanyang panunungkulan bilang Senador ay nagagawa niya pa ring sumali rito.

Sa Pamamahayag

Nagsimula ang kanyang karera bilang isang mamamahayag noong panahon ng dating Pangulong Ferdiannd Marcos, nang ang kalayaan sa pamamahayag ay lubos na ipinagkait. Nagtrabaho siya bilang isang tagapagbalita para kay Johnny de Leon, isang sikat na taga-anunsyo sa radyo noong mga panahong iyon. Hindi nagtagal ay naging tagapagbalita na rin siya sa radyo sa istasyon ng RPN sa radyo na DWWW mula 1982 hanggang 1986.

Matapos mapatalsik si Marcos sa pagkapresidente, lumipat na si de Castro sa ABS-CBN. Nakuha niya ang kanyang proyekto na magpapasikat sa kanya sa telebisyon nang maging host siya sa isang bahagi ng programang Good Morning, Philippines na tinawag na "At Your Service". Sumali rin siya sa DZMM, ang istasyon sa radyo ng ABS-CBN. At dito ay naging tagapagbalita naman ng Kabayan. Nang dahil sa pagsikat ng programang ito ay nakuha niya ang bansag na Kabayan Noli. Noong 1987, nagkaroon siya ng sarili niyang palabas, ang Magandang Gabi, Bayan, at naging tagapagkilala ng mga balita rin sa TV Patrol. Noong Enero 1999, siya ay naging panguahing abala sa produksyon ng TV Patrol at naging Pangalawang Pangulo naman ng DZMM.

Sa Pulitika

Taong 2001 nang siya ay kumandidato sa pagka-Senador. Bagaman tumakbo siya bilang independyente, paminsan-minsan ay kumakandidato siya kasama ang oposisyon. Nakakuha siya ng higit sa 16 na milyong boto, ang pinakamataas na boto para sa pagka-Senador sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya rin ang kauna-unahang nangunang independyenteng kandidato na nanguna sa bilangan.

Bilang isang Senador, sinimulan niya ang Senate Bill No. 2029 o ang tinatawag na "Local Government Transparency Act" na nagnanais na tapusin na ang korupsyon sa pamamagitan ng pagiging totoo ng lahat ng yunit ng lokal na gobyerno.

Bukod dito, humawak rin siya sa tatlong komite sa Senado. Ang Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na may sakop at kapangyarihan sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pagsasatupad ng mga probisyon ng Konstitusyon sa lahat ng panlipunang katarungan.

Bukod dito ay ang Committee on Tourism, ang lupon na siyang namamahala sa pagsasatupad ng mga probisyon na may kaugnayan sa turismo at sa industriya nito.

At ang huli naman ay ang Committee on Cultural Communities, na may kinalaman sa mga batas patungkol sa mga komunidad na ito.

Noong 2004 naman ay tumakbo siya bilang Pangalawang Pangulo. Nakalaban niya ang isa ring nagmula sa pamamahayag at kasalukuyan ring senador noon na si Loren Legarda. Nanalo si de Castro ngunit hindi nagtagal ay nagsampa ng protesta si Legarda laban sa naging resulta nito. Ngunit ibinasura ito ng Korte Suprema, na tumatayo rin bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.