Nolasco Panaligan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Nolasco "Noly" Panaligan ay isang animator at dibuhista ng komiks na unang nagtrabaho nang lumabas ang kauna-unahang librong serye ng komiks sa Pilipinas, ang Halakhak Komiks, noong 1946.

Buhay

Sa gulang na limang taon, nagsimula si Noly sa sining gamit ang yeso at pisara. Hilig niyang iguhit ang mga eroplano, ang papawirin at dagat. Sa kanyang imahinasyon, lumilipad siya sakay ng eroplano kaya nahiligan niya ang mga ito, kahit na siya ay may sakit na vertigo o pagkaliyo. Ang dagat naman ay nagustuhan niyangniguhit dahil sa kanyang hilig sa paglangoy.

Labing- anim na taong gulang si Noly nang makadaupang-palad niya si Francisco V. Coching, na siyang kinikilala niyang pinakamagaling na dibuhista ng komiks sa Pilipinas. Siya ay naging estudyante ni Coching.

Noong ika-24 ng Hunyo 2004, pumanaw si Noly dahil sa atake sa puso.

Karera

Si Coching ang tumulong kay Noly sa pagsisimula sa industriya nang irekomenda siya nito na magtrabaho sa Halakhak Komiks, kung saan isusulat niya ang istorya at iguguhit ang komiks na "Binong Lambanog". Sumunod siyang nagtrabaho sa Liwayway magazine at sa iba pang titulo ng komiks tulad ng Tagalog Klasiks sa ilalim ng ACE Publications, kung saan isinulat at iginuhit niya ang "Payaso", ang seryeng kinilalang pinakamahusay niyang likha.

Kumuha si Noly ng kursong Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas, pero natigil din nang makuha siyang aprentis sa Advertising Associates, at tauhan sa Boy Scout of the Philippines, National Council. Kinalaunan ay lumipat si Noly sa advertising. Inimbitahan siya ni Mauro Malang-Santos na maging editor at dibuhista para sa Chronicle Publications. Siya rin ay nagtrabaho sa Admakers kung saan nanalo siya ng Art Director's Club award for Ad Illustration.

Pansamantala siyang lumiban sa trabaho upang mag-aral ng animation. Dito niya natutunan na ang animation kailan man hindi maaaring maging isang industriya sa Pilipinas. Gumawa siya ng ilang titulo at magandang dibuho para sa dalawang pelikulang dokyumentaryo ni Lamberto Avellana, na parehong nakapasok at nanalo sa Bilbao Film Festival sa Espanya.

Sa simula ng dekada 60s, bumalik muli si Noly sa Admakers bilang direktor ng sining. Siya ay lumagay sa tahimik, at sumali sa Yabut and Associates.

Sa tulong nina Tony Zuñiga at [Nestor Redondo]], nakaguhit si Noly para sa DC Publications at Warren Publishing House sa Amerika. Habang nasa advertising at abala sa paggawa ng komiks, mayroon pa ring panahon si Noly na gumawa ng maiikling komiks sa ilang magasin, tulad ng Pilipino Funny Komiks.


Mga Gawa

Listahan ng mga gawa ni Noly Panaligan sa Amerika

  • Setyembre/Oktubre 1974: Weird Western Tales (1972) #24 - "The Point Pyrrhus Aftermath!"
  • Nobyembre/Disyembre 1974: Weird Western Tales (1972) #25 - "Showdown with the Dangling Man"
  • Pebrero/Marso 1975: Weird Mystery Tales (1972) #16
  • Marso/Abril 1975: Weird Western Tales (1972) #27 - "The Meadow Springs Crusade"
  • Hulyo/Agosto 1975: Weird Western Tales (1972) #29 - "Breakout at Ford Charlotte"
  • Nobyembre 1977: Jonah Hex (1977) #6 - "The Lawman"
  • Disyembre 1977: Jonah Hex (1977) #7 - "Son of the Apache"
  • Marso/Abril 1978: The Unexpected (1968) #184
  • Mayo/Hunyo 1978: The Unexpected (1968) #185
  • Hulyo/Agosto 1978: House of Mystery (1951) #259; The Unexpected (1968) #186
  • Setyembre 1978: House of Mystery (1951) #260
  • Setyembre/Oktubre 1978: The Unexpected (1968) #187
  • Enero 1979: House of Mystery (1951) #264
  • Enero/Pebrero 1979: The Unexpected (1968) #189
  • Oktubre 1979: Secrets of Haunted House (1975) #17
  • Setyembre 1981: The Unexpected (1968) #214
  • Hulyo 1989: Sherlock Holmes: Sir Arthur Conan Doyle's A Study in Scarlet (1989) #1
  • Nobyembre 2005: Showcase Presents Jonah Hex (2005) Vol. 01
  • Enero 2007: Jonah Hex (2007) TPB - "Jonah Hex"

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.