Noemi Tesorero

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang mabasa ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang [1]

Si Noemi Tesorero, mas kilala bilang Mahal, (29 Disyembre 19745—31 Agosto 2021) ay isang Pilipinong komedyante na popular sa kaniyang 3 talampakang taas dahil na rin sa kondisyon niyang tinatawag na dwarfism. Siya ay ipinanganak sa Virac, Catanduanes at panganay sa apat na magkakapatid.

Pamilya

Noong siya ay bata pa, sumasama siya sa kaniyang tatay, dating drayber ng pampasaherong dyip, sa pagbiyahe sa rutang Cubao–Divisoria. Nang sumikat sa showbiz, tinulungan niya ang kaniyang pamilya at pinagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid. Ang kaniyang kapatid na si Irene ay kasalukuyang nakatira sa Cleveland, Ohio kung saan pinamamamahalaan niya ang isang restoran. May kapatid siyang pulis na nakadestino sa Palawan. Namatay ang kanilang ama noong 5 Agosto 2021.

Buhay Artista

Nagsimulang mapanood si Tesorero sa Lunch Date, isang variety show, noong 1988. Sa pagpasok ng dekada nobenta, madalas na siyang mapanood sa mga programang pantelebisyon, komersiyal, at pelikula. Madalas niyang katambal noon si Allan Padua, mas kilala bilang Mura, na dati ring komedyante. Kilala siya sa kaniyang taas, bungisngis, at mga kontrobersiyal na pakikipagrelasyon. Ang huli niiyang proyekto nitong 2021 ay ang teleseryeng Owe My Love ng GMA 7 na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves. Gayunman, napanood pa siya sa isang episode ng Dear Uge noong Agosto 1.

Buhay Pag-ibig

Ang buhay pag-ibig ni Tesorero ay masalimuot. Noong dekada nobenta, naging kontrobersiyal ang pakikipag-ugnayan niya sa dating mang-aawit na si Jimboy Salazar, namatay noong 2015 dahil sa pulmonya.

Noong 2013, naging karelasyon niya si Aries Navarro. Noong 2015, ikinasal siya kay Jobbie Hebrio ngunit naghiwalay rin noong 2020.

Bago namayapa, si Tesorero ay naugnay at naitriga sa model at vlogger na si Mygz Molino. Pinasok ni Tesorero ang mundo ng YouTube noong Hulyo 2020 na may 517,000 subscriber. Madalas mapanood sa kaniyang vlog si Molino.

Ang huling vlog ni Tesorero ay nagtatampok sa dati niyang katambal na si Mura na binisita at tinulungan niya sa Albay. Naging markado ang sinabi niya kay Mura “Pag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong konting tulong sa iyo,” na tila may ipinahihiwatig na.

Namatay si Mahal noong 31 Agosto 2021 sanhi ng COVID-19.

Filmograpiya

  • Dear Uge (TV Series, 2021)
  • Owe My Love (TV Series, 2021)
  • One of the Baes (TV Series, 2020)
  • Full House Tonight (TV Series, 2017)
  • #ParangNormalActivity (TV Series, 2016)
  • Toda Max (TV Series, 2013)
  • Id’Nal (Mapusok) (2012)
  • Pasukob, 2007
  • SiS (TV Series, 2005)
  • Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003)
  • Utang ng Ama (2003)
  • Kokey (1997)
  • Anak ni Janice (1991)
  • Small and Terrible (1990)
  • Last Two Minutes (1989)

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.