Ninay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ninay ay ang unang nobela sa Pilipinas na isinulat ng isang Pilipino. Itinuturing din itong unang Asyanong nobela na nakasulat sa Spanish. Isinulat ito ni Pedro A. Paterno noong siya ay 23 taong gulang at naninirahan sa Espanya noong 1885. Naisalin ang nobela sa Ingles noong 1907 at sa Tagalog noong 1908.

Ang kuwento nito ay umiinog sa buhay ng yumaong si Ninay, na may buong pangalan na Antonina Milo y Buisan. Sa pasiyam na handog para sa kaniya, muling binalikan ang buhay at pag-ibig ni Ninay.

Sanggunian

“Unforeseen shadows: Nínay by Pedro Paterno.” Book Trek, 31 Hulyo 2016. http://booktrek.blogspot.com/2016/07/unforeseen-shadows-ninay-by-pedro.html. Accessed 24 Marso 2021. Accessed 24 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.