Nikola Tesla

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Nikola Tesla.

Si Nikola Tesla (10 Hulyo 1856 – 7 Enero 1943) ay isang imbentor, inhinyerong mekanikal at elektrikal. Malimit siyang tinatanaw bilang isa sa pinakamahahalagang mga tapag-ambag sa pagsilang ng pangkomersiyong kuryente at higit na kilala dahil sa kanyang "mapanghimagsik" na mga pagpapaunlad sa larangan ng elektromagnetismo noong huling bahagi ng ika-19 daang taon at maagang bahagi ng ika-20 daang taon. Ang mga patente at mga gawang teoretiko ni Tesla ang bumuo sa batayan o basihan ng makabagong mga sistema ng lakas ng kuryente ng nagpapalitang saloy o daloy (alternating current o AC sa Ingles), kabilang ang sistema ng maramihang yugto (polyphase system sa Ingles) ng pagpapakalat o distribusyon ng elektrisidad at ng motor na AC, kung saan nakatulong siya sa paglulunsad ng Ikalawang Rebolusyong Industriyal.==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Nikola Tesla. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.