Nida Blanca

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Dorothy Acueza Jones ay mas kilala bilang si Nida Blanca. Siya ang tinaguriang Debbie Reynolds ng Pilipinas. Hindi lamang sa husay sa pag-arte hinangaan ang aktor na ito kundi maging sa pagsayaw. Nagluksa ang industriya ng pelikulang Pilipino nang biglang paslangin ito ng mga di-kilalang salarin.

Pinag-Ugatan

Si Nida ay ipinanganak sa Gapan, Nueva Ecija noong 6 Enero 1936. Siya ay nag-iisang anak nina John William Jones Jr, may dugong Amerikano at Inocencia Guinto. Si Nida ay nagtapos ng hays-iskul sa Adamson University at kumuha ng Pre-Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Mayroon siyang isang anak, si Kay Torres, sa dating asawang si Victorino Torres.

Pagpasok sa Siyobis

Si Delia Razon ang nagdala kay Nida sa LVN Pictures at ipinakilala sa may-ari nitong si Doña Sisang. Agad siyang napasabak sa pelikulang Reyna Elena noong 1951. Si Nestor De Villa ang kaniyang unang nakatambal para sa pelikulang Amor Mio. Simula noon ay lumabas na siya sa di-mabilang na mga pelikula, at malimit katambal si Nestor.

Ang pelikulang Waray-Waray ang nagpasikat sa galaw niyang parang tomboy na laging may hawak na patalim sa kamay, ngunit lumabas ang kaniyang husay sa pag-arte nang siya ay magkaedad na. Klasiko ang naging tambalan nila ni Dolphy na kilalang "Hari ng Komedya." Ang John en Marsha ang isa sa dalawang matatagal na palabas sa telebisyong ipinalabas nang mahabang panahon. Si Nida ay lumabas sa 163 pelikula at 14 palabas sa telebisyon, tumanggap ng 16 parangal para sa pelikula at anim para sa telebisyon. Siya ay aktibong miyembro ng Movies and Television Regulatory Classification Board (MTRCB) hanggang sa oras ng kaniyang kamatayan.

Ilang mga Tinampukang Pelikula

  • Kung ikaw ay isang panaginip (2002)
  • Luv Text: Type Mo? Txt Mo! (2001)
  • Abakada ina (2001) .... Matilda
  • Sa huling paghihintay (2001)
  • Biyaheng langit (2000) .... Lola Amor
  • Yakapin mo ang umaga (2000)
  • Soltera (1999)
  • Mula sa Puso: The Movie (1999) .... Carmen
  • Sana pag-ibig na (1998) .... Linda Perez
  • Hiling (1998)
  • Mother Ignacia - Ang uliran (1998)
  • Babae (1997) .... Adora
  • Batang PX (1997)
  • Ang TV Movie: The Adarna Adventure (1996)
  • Madrasta (1996) .... Fides
  • Ipaglaban mo: The Movie (1996)
  • Vampira (1994)
  • Di na natuto (1993)
  • Geron Olivar (1993)
  • Mahal kita walang iba (1992)
  • Mundo man ay magunaw (1990) .... Lydia
  • John and Marsha '90 (1990) .... Marsha
  • Rosenda (1989)
  • Sa akin pa rin ang bukas (1988)
  • Guhit ng palad (1988)
  • Ibulong mo sa Diyos (1988)
  • Family Tree (1987) .... Nitang
  • Kid, huwag kang susuko (1987)
  • Prinsesang gusgusin (1987)
  • Magdusa ka (1986)
  • Like Father, Like Son (1985) .... Emily
  • Miguelito, ang batang rebelde (1985)

Sanggunian

  • IMDB (hinango noong 16 Enero 2008).