Nick Joaquin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Nicomedes Marquez Joaquin ay kinikilala bilang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Siya ay isang makata, nobelista, manunulat ng sanaysay, dula, at talambuhay, at kilala rin bilang Quijano de Manila.

Pinagmulan at Edukasyon

Siya ay Ipinanganak noong 4 Mayo 1917 sa Paco, Maynila at supling nina Leocadio Joaquin at Salome Marquez. Siya ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan noong elementarya at sa Mapua High School sa Intramuros, Maynila. Ngunit siya ay tumigil sa pag-aaral sa Mapua pagkatapos ng tatlong taon.

Pumasok din si Joaquin sa St. Albert College sa Hongkong, isang seminaryo sa ilalim ng mga Dominikano ngunit iniwan niya ang seminaryo noong 1950 matapos na tutulan siya sa pagsusulat.

Karera sa Pagsusulat

Si Joaquin ay nagsimulang magsulat ng mga maiikling kwento, tula at sanaysay noong 1934. Ang karamihan dito ay nailathala sa mga magasin sa Maynila at ang ilan ay naisulat sa mga banyagang peryodiko. Noong 1935, sa gulang na 17, nailathala ang una niyang tula sa Tribune.

Kinalaunan, ang akda niyang Three Generations ay lumabas sa Herald Midweek Magazine. Ang sanaysay niyang La Naval de Manila ay nagwagi rin sa isang patimpalak sa pagsusulat na pinangasiwaan ng mga Dominikano.

Malaki ang naiambag na mga kwento ni Nick Joaquin sa Philippine Free Press, at dahil dito, kinuha siya na maging proofreader o taga-wasto ng mga teksto ng nasabing pahayagan noong 1950. Noong 1957, sa ilalim ng Harper Publishing Company, nanatili siya sa Estados Unidos at nagtungo sa Mexico upang magsulat ng mga nobela.

Nang magkaroon ng mga problema ang mga manggagawa sa Free Press noong 1970, umalis siya rito at lumipat sa Asia-Philippines Leader noong 1971, at naging punong-patnugot nito. At noong 1990, naging patnugot siya ng Philippine Graphic.

Ilang mga Akda

  • Prose and Poems (1952)
  • The Woman Who Had Two Navels (1961)
  • Selected Stories (1962)
  • La Naval de Manila and Other Essays (1964)
  • The Portrait of the Artist as Filipino (1966)
  • Tropical Gothic (1972)
  • The Complete Poems and Plays of Jose Rizal (1976)
  • Reportage on Crime (1977)
  • Reportage on Lovers (1977)
  • Nora Aunor and Other Profiles (1977)
  • Ronnie Poe and Other Silhouettes (1977)
  • Amalia Fuentes and Other Etchings (1977)
  • Gloria Diaz and Other Delineations (1977)
  • Doveglion and Other Cameos (1977)
  • A Question of Heroes (1977)
  • Stories for Groovy Kids (1979)
  • Almanac for Manileños (1979)
  • Tropical Baroque (1979)
  • Manila: Sin City and Other Chronicles (1980)
  • Language of the Street and Other Essays (1980)
  • Reportage on the Marcoses (1979, 1981)
  • Culture and History (1988)
  • Manila, My Manila (1991)

Mga Parangal

  • Republic Cultural Heritage Award para sa Panitikan (1961)
  • Stonehill Fellowship para sa kanyang The Woman Who Had Two Navels (1960)
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila (1964)
  • Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (1976)

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VII. Philippine Theater. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • PinoyLit: Nick Joaquin. (Hinango noong 25 Abril 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.