Neodimyo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Neodimyo o Neodymium ay isang elementong kimikal na may simbolong Nd at bilang atomikong 60. Ito ay isang malambot na mapilak na metal na nawawalan ng kinang sa hanging. Ang Neodimyo ay natuklasan noong 1885 nang kimikong Austriyanong si Carl Auer von Welsbach. Ito ay umiiral sa malalaking mga bilang sa mga mineral na mena na monazite at bastnäsite. Ang Neodimyo ay hindi likas na matatagpuan sa anyong metaliko o hindi kahalo ng ibang mga lantanido. Ito ay karaniwang pinipino para sa pangkalahatang paggamit. Bagaman ang Neodimyo ay inuuri bilang isang elementong bihirang mundo, ito ay hindi mas bihira sa ore na cobalt, nickel, at copper. Ito ay malawakang nakabahagi sa kortesa ng mundo. Ang karamihan ng neodimyo ng mundo ay minimina sa Tsina. Ang mga kompuwestong neodimyo ay unang ginamit ng pangkalakalan (commercial) bilang mga dye ng salamin noong 1997 at ito ay nananatiling sikat na aditibo sa mga salamin. Ang kulay ng mga kompuwestong neodimyo sanhi ng Nd3+ ion ay kadalasang mapulang-purpura ngunit nagbabago sa uri ng pagliliwanag sanhi ng mga epektong fluorescent. Ang ilang mga salaming dinopahe ng neodimyo ay ginagamit rin sa mga laser na naglalabas ng liwanag imprared na may mga wavelength sa pagitan ng 1047 at 1062 nanometro. Ang mga ito ay ginagamit sa mga aplikasyong may mataas na kapangyarihan gaya ng mga eksperimento sa inertial confinement fusion.

Mga katangiang pisikal

Ang neodimyo ay umiiral sa klasikong mischmetal sa konsentrasyong mga 18%. Ang metalikong neodimyo ay may maliwanag na mapilak na metalikong ningning ngunit bilang isa sa mas reaktibong mga bihirang mundong metal na lantanido, ito ay mabilis na nag-ooksido sa ordinaryong hangin. Ang patong na oksido na nabubuo ay naaalis at ito ay naglalantad sa metal sa karagdagang oksidasyon. Ang isang may sukat na sentimetrong samplo ng neodimyo ay buong nag-ooksido sa loob ng isang taon.[1]

Ang neodimyo ay karaniwang umiiral sa dalawang mga anyong allotropiko na may isang transpormasyon mula sa isang dobleng heksagonal tungo sa isang istrukturang kubikong nakasentro sa katawan na nangyayari sa mga 863 °C.[2]

Mga sanggunian

  1. Rare-Earth Metal Long Term Air Exposure Test. Retrieved on 2009-08-08.
  2. C. R. Hammond (2000). The Elements, in Handbook of Chemistry and Physics 81st edition. CRC press. ISBN 0-8493-0481-4.