Nellie Boustead

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Nellie Boustead ay isa sa mga babaeng nagkaroon ng ugnayan kay Jose Rizal. Nakilala ni Rizal, sa pamamagiyan ni Antonio Luna, ang tatay ni Nellie na si Eduardo Boustead nang siya ay nasa Paris, France. Nanirahan si Rizal sa bahay ng mga Boustead sa Biarritz kung saan niya nakilala ang mga anak na babae nito. Sa panahong ito, naisip na ni Rizal na manuyo ng ibang babae matapos ang kanilang relasyon ni Leonor Rivera. Madalas na kasama ni Rizal ang mga dalagang Boustead na mag-fencing sa studio ni Juan Luna.

Inilarawan si Nellie bilang isang maganda, matalino at relihiyosang babae. Mahilig siya sa isports. Niligawan rin ni Antonio Luna si Nellie ngunit inamin ng dalaga na may pagtingin ito kay Rizal. Sa isang pagtitipon ng mga Filipino sa Madrid, may mga nasabing hindi maganda si Antonio Luna tungkol kay Nellie dahil sa kalasingan. Dahil dito, hinamon ni Rizal si Antonio sa isang duelo. Agad namang humingi ng paumanhin si Antonio kay Rizal.

Hindi nagpatuloy ang pagtitinginan nina Rizal at Nellie dahil tumanggi si Rizal na maging Protestante. Hindi rin pabor sa relasyon ng dalawa ang nanay ni Nellie dahil ayaw umano nitong magkaroon ng manugang na katulad ni Rizal, na isang doktor na walang gaanong nagbabayad na pasyente. Naghiwalay bilang magkaibigan sina Nellie at Rizal.

Mga Sanggunian

"All the Girls Rizal Loved Before" ABS-CBN News Channel (Accessed on 25 March 2021)

Jose Rizal Romantiko (Accessed on 25 March 2021)