Nationalist People’s Coalition

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Nationalist People’s Coalition o NPC ay isang partidong politikal sa Pilipinas na naitatag noong 1992 para sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. (10 Hunyo 1935–16 Hunyo 2020) sa taon ding iyon ngunit natalo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Nagwagi naman sa pagkapangalawang pangulo si Joseph Ejercito Estrada na ka-tandem ni Cojuangco. [1]

Nang namayapa si Cojuangco noong 18 Hunyo 2020, pumalit sa kaniya bilang tagapangulo ng NPC si Senate President Tito Sotto III. [2]

Si Sotto ay tatakbo sa pagkapangalawang pangulo sa Halalan 2022. Ka-tandem niya si Senador Panfilo Lacson na tatakbo naman sa pagkapangulo. [3]

Mga Sanggunian

  1. Jerry Barican. “About NPC.” https://npc-party.org/about/. Accessed 7 Setyembre 2021.
  2. Katrina Domingo. “Sotto expects NPC to 'struggle to keep party strong' after Danding Cojuangco's demise.” ABS-CBN News, 18 Hunyo 2020. https://news.abs-cbn.com/news/06/18/20/sotto-expects-npc-to-struggle-to-keep-party-strong-after-danding-cojuangcos-demise. Accessed 7 Setyembre 2021.
  3. NB. “NPC members give Sotto consent to run for vice president.” GMA News, 28 Hulyo 2021. https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/797236/npc-members-give-sotto-consent-to-run-for-vice-president/story/. Accessed 7 Setyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.