National Federation of Women's Clubs of the Philippines

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang National Federation of Women's Clubs of the Philippines (NFWCP) ay ang unyon ng mga samahan ng kababaihan sa Pilipinas na itinatag noong 5 ng Pebrero 1921. Itinatag ito upang pagbuklurin ang mga Pilipina sa bansa, maitaguyod ang kanilang kapakanan, at maging epektibong kalahok sa pagsulong ng kabutihan para sa bansa.

Kaugnayan sa Kasaysayan ng Pilipinas

Sa pagkakabuo ng pederasyong ito, maraming kabutihan na ang nakamtan para sa mga Pilipina. Isa sa mga tagumpay na ito ay ang pagsasabatas ng karapatan ng kababaihan na makaboto. Ang batas na ito ito ay nilagdaan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong ika-labinglima ng Pebrero, 1937, sa harap ng ilang miyembro ng NFWCP at dating Unang Ginang Doña Aurora Quezon.

Ang sumusunod ay ang iba pang mahahalagang pangyayari sa NFWCP na naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas:

1. Paglalagay ng nursery at kindergarten sa mga paaralan noong 1935;

2. Pagsulong ng edukasyon sa matatandang hindi marunong sumulat noong 1941;

3. Pagbuo ng Girl Scouts of the Philippines;

4. Pagtulong na mapabuti ang kondisyon ng mga babaeng bilanggo, at siyang sanhi sa pagtatatag ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong;

5. Pagpapahalaga sa mga ina sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina (ito ay unang ipinagdiwang noong unang Lunes ng Disyembre 1921 ngunit ngayo'y tuwing unang Linggo na ng Mayo katulad ng sa Estados unidos);

6. Pagsusulong ng pagkakaroon ng mga babae sa pulisya noong 1930.

Mga Pangkasalukuyang Programa

Ang mga programa ng pederasyon ay nakatuon sa mga sumusunod:

  • Sa aktibong pagprotesta sa pagkakaroon ng diborsiyo sa Pilipinas at mga bahay-aliwan;
  • Sa pagtatanim at pagreresiklo bilang kampanya sa pagpapahalaga sa kapaligiran;
  • Sa edukasyon (pagbibigay ng iskolarship sa mga kabataan);
  • Sa pagbuwag ng kahirapan sa pamamagitan ng pagpapautang ng puhunan sa mga kooperatiba.

Sanggunian

  • Camacho, Leonarda N. "National Federation of the Women's Clubs of the Philippines and Philippine History." 100 Centennial Celebration, Feminist Movement in the Philippines 1905-2005. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., 2005.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.