Narra

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense.

Katangian

Ang Narra ay isang malaking puno, na may taas na umaabot sa 33 metro at sukat na 2 metro. Ang mga dahon nito ay may haba na 15 hanggang 30 sentimetro at hugis pahaba o biluhaba.

Gamit

  • Kilala ang narra sa katibayan nito kaya naman ang kahoy nito ay ginagamit sa paggawa ng mga bahay at muwebles.
  • Ang dahon at bulaklak nito ay kinakain.
  • Ang bulaklak ay pinagkukunan ng pulot.
  • Ang pinaghalong dahon ay ginagamit na panghugas ng buhok.
  • Ginagamit din itong mabisang lunas sa mga sakit sa pantog, sakit sa bato, malimit na pagbabawas, at edema.
  • Ang murang dahon ay inilalagay din sa bungang-araw.
  • Ang pinakuluan nito ay maaari ring gamitin bilang pangmumog para sa singaw; bilang panglinis ng mukha; at para sa pananakit ng ngipin.
  • Pinagkukunan din ang narra ng pulang kulay at resin.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.