Narciso Clavería

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Narciso Clavería y Zaldúa (2 Mayo 1795 – 20 Hunyo 1851) ay isang opisyal ng hukbong panlupa ng Kastila na naglingkod bilang isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas magmula 16 Hulyo 1844 hanggang 26 Disyembre 1849. Noong panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas, tinangka niyang mabigyan ang kapuluan ng isang pamahalaan na katulad ng sa makabagong Espanya. Naglakbay siya sa maraming mga lalawigan na sinusubukang matutunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang pagsasagawa ng agrikultura, pagpapainam ng mga lansangan at ng mga pook na sub-urbano ng Maynila at nagtagumpay siya sa pagtulong sa bansa.[1] Nabigyan siya ng pamagat na Konde ng Maynila.[2] Ang mga bayan ng Claveria sa lalawigan ng Misamis Oriental, Claveria sa lalawigan ng Masbate, at Claveria na nasa lalawigan ng Cagayan ay ipinangalan mula sa kaniya bilang parangal.[3]

Unang mga taon

Si Narciso Clavería ay katutubo ng Gerona, Espanya (subalit may oriheng Biscayano). Naging kasapi siya ng Tauhang Panlahat ng Espanya noong 1838: isang Koronel noong 1839 at Tenyente Heneral noong 1844.[4] Naging gobernador siya ng Pilipinas noong 16 Hulyo 1844.


Pagbabalik sa Espanya

Hiniling ni Clavería ang kaniyang pagreretiro at iniwan niya ang posisyon ng pagkagobernador-heneral ng Pilipinas, at nagbalik sa Espanya.[5] Isa siyang tao na mayroong kultura, katapatan, at industriya.[2] Naging isa siyang senador noong 1850 subalit namatay noong sumunod na taon noong 20 Hunyo 1851 sa Madrid.

Sanggunian

  1. Jernegan, Prescott Ford (1905) "A short history of the Philippines: for use in Philippine schools". pp. 232-234. D. Appleton and Company, New York.
  2. 2.0 2.1 "Repertorio General. Indice Alfabetico de los principales vecinos de Madrid con indicacion de sus domicilios", p.115. Imprenta de J. Martin Alegria, Madrid, 1852.
  3. (2009-03-28). "Brief History of Claveria". Lakay-Lakay, Opisyal na websayt ng Claveria Website. Nakuha noong 2011-06-03.
  4. Ruiz, Angel Salcedo (1914). "Historia de España", p.715. Saturnino Calleja Fernandez, Madrid.
  5. Blair, Emma Helen and Robertson, James Alexander (1904). "The Philippine Islands 1493-1803, Vol.17", pp. 304-305. The Arthur H. Clark Co., Cleveland, OH.

Mga kawing na panlabas


Mga tungkuling pampolitika
Inunahan ni:

Francisco de Paula Alcalá de la Torre

Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas

1844–1849

Sinundan ni:

Antonio María Blanco

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Narciso Clavería. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.