Nancy Binay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Nancy Binay (may buong pangalan na Maria Lourdes Nancy Angeles Binay) ay nagmula sa angkan ng mga pulitiko. Si Nancy ang panganay na anak nina Bise Presidente Jejomar Binay at dating alkalde Elenita Binay. Kapatid niya ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. at Kongresistang si Mar-Len Abigail Binay-Campos ng Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Makati. Kasalukuyan siyang nakaupo bilang senador.

Pagkakapili bilang Kandidato

Ang pagpasok ni Nancy sa pulitika ay bunsod ng resulta ng pagsusuri ng Pulse Asia noong Setyembre 2012 kung saan pumalo siya sa ranggong 12-15 puwesto sa pagkasenador.

Sa naging pahayag ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general at Kinatawan ng Lungsod ng Navotas Tobias "Toby" Tiangco ay sinabi nito na ang desisyon ng koalisyon na isama si Nancy sa hanay ng mga kandidato ng UNA ay dahil sa resulta ng mataas na rating nito sa survey. Pinalitan niya si Joey de Venecia na umatras sa kandidatura.

Edukasyon

Nagtapos ng B.S. Tourism sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Karera/Trabaho

Dating personal assistant si Nancy sa kanyang nanay na si Dr. Elenita Binay noong pinuno pa ito ng Lungsod ng Makati. Matapos ay naging Deputy Secretary-General siya ng United National Alliance, ang partidong binuo ng kanyang ama at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Nang maging Pangalawang Pangulo noong 2010 si Jejomar Binay, nagsilbi si Nancy sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at tinutukan ang mga problema sa pabahay at naging tagapamagitan sa kanyang ama sa iba pang ahensya at tumatayong tagahalili sa tuwing hindi nakadadalo ang Pangalawang Pangulo sa mga okasyon.

Kasalukuyan siyang Executive Director at Kasapi ng Board of Trustees ng Bigay Pagmamahal Fooundation, Kasapi ng Board of Trustees ng Brighthalls Children’s Foundation, STF Serbisyong Tunay Foundation, Inc., at JCB Foundation.

Kritisismo

Bukod sa kakulangan sa karanasan, pinakamalaking kritisismong ibinabato kay Nancy Binay ang pagiging bahagi ng dinastiyang pulitikal dahil sa pagkakaluklok ng ilan niyang mga kamag-anak sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan. Sinagot niya ito sa pagsasabing ang mga Binay ay “dinastiya ng serbisyo.”

Bata pa lang ho ako, ang orientation naming magkakapatid ay towards public service so iyon ang strong point namin, our desire to help,” pahayag niya.

Sa kabila nito, nananatili si Nancy Binay sa nangungunang labindalawang kandidato sa pagkasenador batay sa pagsusuri ng Pulse Asia.

Mga Sanggunian