Naida Angpin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Ma. Zenaida “Naida” B. Angpin ay isang lingkod-bayan at hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos bilang tagapangulo ng Presidential Management Staff (PMS). Siya ay dating kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Maynila kung saan umulit ng tatlong beses ang kaniyang termino sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Naging aktibo si Angpin sa kampanya ni Marcos kung saan hinawakan niya ng mga gastusin ng kampo nito noong Halalan 2022.

Nagmula si Angpin sa Leyte, ang pinagmulan din ng dating Unang Ginang Imelda Marcos, at isa sa mga pinagkakatiwalaan ng dating gobernador ng Leyte na si Benjamin “Kokoy” Romualdez, kapatid ni Imelda Marcos at ama ni Martin Romualdez.

Si Angpin ay kasal kay Harry Angpin, dati ring kinatawan ng Maynila at dating tagapangulo ng Philippine Sports Commission.

Ang PMS ay ahensiya sa Palasyo ng Malacañang na katuwang ng pangulo sa pagdedesisyon ukol sa mga polisiya at mga hakbang na dapat gawin. Ang PMS ay nakikipagtulungan din sa mga kagawaran at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga impormasyon o sa kung ano ang mga pangangailangan ng pangulo.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.