NAIA Terminal 1 Rehabilitation Project

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang NAIA Terminal 1 Rehabilitation Project.

Ang NAIA Terminal 1 rehabilitation project ay isang proyektong naglalayong paunlarin at ayusin ang Ninoy Aquino International Airport matapos nitong mapabilang sa mga listahan ng "worst airports" sa mundo.

Unang ipinanukala ang proyekto noong 2018 ng NAIA Consortium na binubuo ng iba't ibang pribadong kumpanya sa Pilipinas. Tinanggap ng pamahalaan ang panukala noong 2019 ngunit kinalaunan ay binawi ito noong 2020.

NAIA Consortium

Noong 12 Pebrero 2018, nagsumite ng isang panukala ang NAIA Consortium na binubuo ng pitong kumpanya:  Aboitiz InfraCapital Incorporated, AC Infrastructure Holdings Corporation, Alliance Global Group Incorporated, Asia's Emerging Dragon Corporation, Filinvest Development Corporation, JG Summit Holdings, and Metro Pacific Investments Corporation. Ipinanukala nila ang isang proyekto para paunlarin, ayusin at pamahalaan ang pagpapatakbo ang NAIA sa loob ng 35 na taon. Nagkakahalaga ng P350 bilyon o US$6.75 bilyon ang proyekto. Kabilang sa kanilang panukala ang pagpapalawag sa mga kasalukuyang terminal ng NAIA at ang pagbuo ng mga panibagong runway, taxiways at passenger terminal.

Noong 1 Marso 2018, naghain rin ng isang panukala ang Megawide Construction Corporation at GMR Infrastructure para sa pagsasaayos ng NAIA. Ang Megawide-GMR ang siyang nagsaayos sa Mactan-Cebu International Airport. Sa panukala ng GMR-Megawide, na nagkakahalaga ng P150 bilyon o US$3 bilyon, hindi kasama ang paggawa ng bagong runway.

Tinanggap ni Kalihim Arthur Tugade ng Kagawaran ng Transportasyon (Department of Transportation) ang panukala ng NAIA Consortium noong ika-1 Mayo, 2019, matapos magkasundo ang grupo at ang pamahalaan. Ngunit noong 5 Hulyo 2019, ibinalik ng DOTr sa NAIA Consortium ang panukala nito dahil umano hindi pa rin ito sapat sa nais mangyari ng pamahalaan. Noong 29 Nobyembre 2019, inaprubahan ng National Economic Development Authority Board ang panukala ng NAIA Consortium. Mula sa P350 bilyon na pondo para sa 35 taong proyekto, bumaba sa P102 bilyon ang pondo ng proyekto na tatagal ng 15 taon.

Noong 9 Marso 2020, inanunsiyo ng Metro Pacific ang pagkalas nito sa NAIA Consortium. Noong ika-7 ng Hulyo, sinabi ng Consortium na muling ibinasura ng pamahalaan ang mga panukala nito. Matapos ang sampung araw, noong ika-17 ng Hulyo, nakuha ng Megawide consortium ang official proponent status para sa proyekto. Sa kabila nito, kinuwestiyon ng NEDA at the Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance) ang kakayahan ng Megawide consortium na pondohan ang proyekto. Noong 15 Disyembre 2020, inanunsiyo ng Megawide na binawi ng pamahalaan ang original proponent status nito para sa proyekto.

Noong 17 Disyembre 2020, sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na nagsumite rin ng panukala para sa proyekto ang San Miguel Corporation. Nagnanais ring maging bahagi ng proyekto ang Philippine Airport Ground Support Solutions Inc.

Nagsumite ng apela ang Megawide noong 21 Disyembre 2020 para maibalik ang original proponent status nito. Ibinasura ng MIAA ang apela ng Megawide noong 26 Enero 2021.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.