My Name is Kim Sam-Soon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang My Name is Kim Sam Soon (Template:Ko-hhrm; internasyunal na kilala bilang My Lovely Sam-soon) ay isang Koreanovela na batay sa nobela sa internet na may kaparehong pamagat na sinulat ni Ji Soo-hyun, na nailathala noong Marso 9, 2004. Ipinapakilala ito ng mga gumawa bilang ang Koreanong bersyon ng Bridget Jones's Diary. Pinagbibidahan ito nina Kim Sun Ah (na tumaba ng 15 libra para sa pagganap[1]), Hyun Bin, Jung Ryeo-won at Daniel Henney. Isa makalumang pangalan sa kulturang Koreano ang "Sam-soon" na nanganahulugang "ikatlong anak na babae" (sam (삼) ay ikatlo, soon (순) ay mahinhin o pambabae).

Sumahimpapawid ang serye sa MBC mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 21, 2005 tuwing Miyerkules at Huwebes sa ganap na 21:55 na may 16 na kabanata. Sa Pilipinas, unang umere ito sa GMA Network mula Pebrero hanggang Abril 2006, kung saan nakatanggap ng marka o rating sa manonood na 40.2% at may karaniwang marka na 34.9%, na naging isa sa mga matataas na marka sa mga drama sa Asya na umere sa Pilipinas. Muli ito pinalabas sa GMA Network noong 2009 at 2015.

Mga sanggunian

  1. "Kim Sun-a Gains Weight to Win Hearts". The Chosun Ilbo. Hulyo 20, 2005. Hinango noong Mayo 29, 2013.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa My Name is Kim Sam-Soon. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.