My Love from the Star

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang My Love from the Star (Template:Ko-hhrm; literal bilang Ikaw na Nanggaling mula sa mga Bituin'') ay isang palabas sa telebisyon na mula sa Timog Korea na pinagbibidahan nina Jun Ji-hyun, Kim Soo-hyun, Park Hae-jin at Yoo In-na. Sinulat niPark Ji-eun, tungkol ang palabas sa isang nilalang sa ibang planeta na napunta sa Daigdig noong panahon ng Dinastiyang Joseon sa Korea at, pagkalipas ng 400 na taon, umibig sa isang taga-daigdig sa makabagong panahon.

Umere ang serye ng 21 episodyo sa Seoul Broadcasting System (SBS) mula Disyembre 18, 2013 hanggang Pebrero 27, 2014. Kinukuwento nito ang isang istorya ng isang ekstrateresteng alien na lumapag sa Daigdig noong 1609 sa panahon ng Dinastiyang Joseon at pagkalipas ng 400 taon ay umiibig sa isang nangungunang aktres.

Natamo ng My Love from the Star ang malawakang popularidad noong umere ito at sumiklab ang isang pagkauso sa moda, make-up at restawran. Nakatanggap ito ng mga parangal sa buong Asya; nanalo si Jun ng Daesang (Grandeng Premyo), ang pinakamataas na parangal para sa Koreanong telebisyon, at ang Baeksang Arts Awards at ang SBS Drama Awards, gayon din si Kim sa Korea Drama Awards.

Mga gumanap

  • Jun Ji-hyun bilang Cheon Song-yi
    • Kim Hyun-soo bilang batang Cheon Song-yi / Seo Yi-hwa
  • Kim Soo-hyun bilang Do Min-joon
  • Park Hae-jin bilang Lee Hee-kyung
    • Jo Seung-hyun bilang batang Lee Hee-kyung
  • Yoo In-na bilang Yoo Se-mi
    • Kim Hye-yoon bilang batang Yoo Se-mi
  • Shin Sung-rok bilang Lee Jae-kyung
  • Ahn Jae-hyun bilang Cheon Yoon-jae
    • Jeon Jin-seo bilang young Cheon Yoon-jae

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa My Love from the Star. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.