Mundo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Mundo (sa Kastila at Portuges: mundo, sa Aleman: Welt, sa Ingles: world, sa Italyano: mondo) ang pangalan sa daigdig, base sa pangtaong punto de bista. Kalimitan ipinahiwatig nito ang sumatotal ng mga karanasan ng mga tao, mga nangyayari at kasaysayan o kondisyon ng mga tao. Sa ngayon, mahigit sa 7.2 bilyon ang mga naninirahan sa mundo sa mahigit nang 200 bansa.

Ang Daigdig

Ang Daigdig o Tiyera naman ang tawag sa planeta bilang isang pisikal na konsepto, para maiba sa iba pang planeta sa sistemang solar at sa iba pang mga proseso sa astronomiya at heolohiya.

Ang daigdig ay ang ikatlo na planeta mula sa araw. Ito ay umiinog sa araw nang 365.256 363 004 araw na bumubuo naman sa isang taon. Ang layo nito sa araw ay mga 149 597 870 700 metro o kaya mga 8.316 870 8 sinag-minuto. Dalawang planeta, ang Benus at Merkuryo, ay mas malapit sa araw. Mayroon itong isang satelayt, ang buwan. Ang buwan ay umiinog sa daigdig nang isang beses sa loob nang 27.322 araw.

Sa lahat ng planeta na nasa Sistemang Solar, ang Daigdig lamang sa ngayon ay ang nag-iisang planeta na may buhay, sapagkat, ito ay may karagatan ng tubig at atmosperang gawa sa oksiheno.

Mga kontinente ng mundo


Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Mundo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.