Mountain Province
Matatagpuan sa Cordillera Administrative Region sa Luzon ang Mountain Province. Bontoc ang kabesera nito. Napapaligiran ito ng Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at Isabela.
Mountain Province ang buong pangalan ng lalawigan at kalimitang ipiangkakamali bilang Mountain lamang ng iba. Kalimitan din na maling pinaiikli ng mga lokal na mamamayan ito bilang Mt. Province, na kadalasang binabasa sa wikang Ingles bilang "Mount Province". Pinangalanang Mountain Province ang lalawigan dahil ito ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera sa hilangang gitnang Luzon. Ang "Mountain" ay wikang Ingles na nangangahulugang bundok sa Tagalog at "Province" sa wikang Ingles na nangangahulugang lalawigan sa Tagalog.
Estrukturang Pampolitika
Binubuo ng 10 munisipalidad ang Mountain Province.
- Barlig
- Bauko
- Besao
- Bontoc
- Natonin
- Paracelis
- Sabangan
- Sadanga
- Sagada
- Tadian
Wika
Kankanaey ang pangunahing wika ng mga taga-Mountain Province, subalit ginagamit din nila ang mga wikang Ingles, Ilokano, at Tagalog.
Klima
Ang Mountain Province ay may dalawang panahon. Mulang Nobyembre hanggang Abril ay tag-init samantalang mulang Mayo hanggang Oktubre ay tag-ulan.
Sanggunian
- Mountain Province (hinango noong 28 Nobyembre 2007).
- Provincial Profile of Mountain Province (hinango noong 28 Nobyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Mountain Province Mountain Province Mountain Province Mountain Province Mountain Province Mountain Province Mountain Province