Miguel de Benavides

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search


Miguel de Benavides
Miguel de Benavides.jpg
Estado:
Kapanganakan: 1550
Carrion delos Condes, Espanya
Kamatayan: 9 Hulyo 1605
Inilibing sa ilalim ng Simbahan ng Santo Domingo, Intramuros
Mga Magulang :

Si Miguel de Benavides ay ang ikalawang Arsobispo ng Maynila mulang 1603 hanggang 1605. Ang pagpunta sa Maynila ang kaniyang unang misyon. Tumulong siya sa pagtatag ng ospital para sa Tsino sa Binondo, Maynila bago naging pinuno ng orden ng Dominiko. Ang kaniyang naiwang pananalapi ang nakatulong sa pagpapatayo ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Talambuhay

Si Benavides ay ipinanganak sa Carrion delos Condes, Espanya at nagmula sa kilalang pamilya. Pumasok siya sa Orden ng Dominiko sa Valladolid, Espanya at nagsilbi sa Colegio de San Gregorio.

Dumating siya Filipinas noong 1587 mula sa Tsina upang ipalaganap ang Kristiyanismo. Hinirang siyang Arsobispo ng Maynila noong 1603. Naakusahan siyang may kinalaman sa pagkamatay ng libo-libong Tsino noong Himagsikang Tsino sa Maynila. Namatay siya noong 9 Hulyo 1605 at inilibing sa ilalim ng Simbahan ng Santo Domingo sa Intramuros.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.