Michael V.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Michael V. (Disyembre 17, 1969 isinilang bilang Beethoven Bunagan), ay isang komedyanteng Pilipino na kilala rin bilang "Bitoy" o "Toybits". Siya ay lumalabas sa mga palabas ng GMA Network tulad ng Bubble Gang, at sa kanyang sariling palabas na Bitoy's Funniest Videos. Kilala siya sa pagsasalin ng mga awiting popular na Filipino at banyaga, at gumawa rin ng mga orihinal na awitin, tulad ng "Sinaktan mo ang Puso ko".

Talambuhay

Siya ay ipinanganak noong Disyembre 17, 1969 sa Pandacan, Maynila. Siya ay napakamahiyain na bata, at madalas siyang pesimistiko patungkol sa kanyang buhay, dahil siya daw na pakainutil para magkaroon ng hinararap. Hanggang isang araw, hindi niya alam habang siya ay lasing at kumakanta ng isang awitin, ang kanyang tinig ay nirerekord pala ng kanyang asawa.

Si Ginoong Beethoven, o Bitoy, ay isang aktor na kahanga-hanga talaga. Hindi katulad ng kanyang mga kasamahan sa industriya, ang manunulat at aktor na ito ay may degree pang-akademiko sa Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Napanalunan niya ang Asian Television Awards para sa pinakamahusay na gumawa ng komedya ng isang aktor noong taong 2004,2005, at 2006.