Michael Charleston B. Chua

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Michael Charleston B. Chua

Si Michael Charleston B. Chua ay kasalukuyang assistant professor sa Departamento ng Kasaysayan ng Pamantasang De La Salle. Dati siyang nagturo sa Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, na pinagtapusan din niya ng kaniyang MA at BA sa Kasaysayan. Kasapi siya sa Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc., Philippine National Historical Society (PNHS), at Asosasyon ng mga Dalubhasa, May Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, Inc. Nagbigay siya ng samot-saring panayam sa iba't ibang unibersidad at pook, at kinapanayam nang ilang beses sa mga estasyon ng telebisyon.

Naging punong patnugot siya ng mga pampaaralang pahayagan, gaya sa Tarlac First Baptist Church School (1997) at St. Matthew Christian Academy (Valedictorian, 2001). Nagwagi ng ikatlong gantimpala, dibisyong pangmataas na paaralan, sa The First Ramon Magsaysay Essay Writing Contest noong 1998.

Sa UP Diliman, tatlong beses siyang naging Iskolar ng Kolehiyo at naging Iskolar ng Unibersidad noong unang semestre ng taong 2003-2004. Dalawang beses siyang nagwagi sa "Paper Presentation Series" ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) para sa Kasaysayan. Naging kasapi siya at opisyal ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS).

Sanggunian

“Sino ang Tarkalin? (About Me).” XiaoChua.net, 11 Nobyembre 2014.  https://xiaochua.net/about/. Accessed 9 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.