Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang 34th Metro Manila Film Festival ay ang pagbibigay parangal sa mga pelikulang karapat-dapat na gawaran ng papuri mula sa opisyal na film festival ng Metro Manila, ang Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taong ito.

Iba't-ibang parangal ang inihahandog para sa iba't-ibang kategorya ng isang pelikula tulad ng Pinakamagaling na Sinematograpiya; Pinakamagaling na Script ng Pelikula; Pinakamagaling na Direktor; Pinakamagaling na Aktor; Pinakamagaling na Aktres; Pinakamagaling na Pelikula; at iba pa.

Ang mga kalahok na pelikula ngayong taong ito ay muli na namang itatampok sa mga sinehan sa buong ka-Maynilaan. Ang pagpaplabas ng mga pelikulang kasali sa MMFF ay taunang ginaganap at pinaghahandaan ng mga film companies, gayun din ng mga diretor at mga artista at makapagbigay ng pampamilyang libangan at aliwan, bilang handog sa mga Pilipino tuwing Pasko.

Ang mga sumusunod ay ang walong opisyal na kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival na ipinahayag ng selection committee ng MMFF:

  • Baler' (Viva Films) - ay isang epic love story na umiikot sa istorya ng seige of Baler na ginawa sa panahon ng pagsakop ng mga Kastila. Ito ay pinagbibidahan nina Anne Curtis at Jericho Rosales kasama nila dito ang iba ang artista tulad nila Nikki Bacolod, Joel Torre, Philip Salvador at Leo Martinez at idinirihe ni Mark Meily.
  • Dayo (Cutting Edge Productions) - ay isang animated an pelikula na tungkol sa isang 11-taong gulang na batang lalaki at ang kaniyang pakikipagsapalaran upang iligtas ang kaniyang lolo at lola na dinukut at idinala sa Elementalia, isang mahiwaga at misteryosong lugar kung saan nakatira ang mga kakaibang nilalang. Ito ay idinirihe nina Robert Quilao, Artemio Abad at Eric Cabahug.
  • Escaleras and Ungasis: 20 Years After (OctoArts Films) - ay ang pagbabalik ng magkakapatid na Escalera--ang nakatatawang kombinasyon ng sikat na trio na sina Tito, Vic at Joey mula nang mawala ang sitcom nilang Iskul Bukol mahigit 20-taon na ang nakalipas. Ito ay idinirihe ni Tony Reyes.
  • Magkaibigan (Maverick Films) - ay pinagbibidahan ni Jinggoy Estrada, ang nanalong Pinakamahuysay na Aktor noong nakaraang taon. Ang pelikulang ito ay isang handog para sa namayapang aktor na si Rudy Fernandez.
  • Shake, Rattle and Roll 10 (Regal Entertainment) - ay ang ika-10 serye ng horror classic na Shake, Rattle & Roll na nagumpisa noong taong 1984. Ang trilogy na ito ay idinirihe ni Mike Tuvierra at Topel Lee. Ang unang kabanata ay may titulo na "Nieves: The Encanto Slayer" kung saan tampok dito sina Eugene Domingo, James Blanco, Marco Alcaraz, at Jennica Garcia. Ang ikalawang kabanata naman ay may pamagat na "Emergency" na pinagbibidahan nila JC de Vera, Wendell Ramos, Roxanne Guinoo, at Mylene Dizon. Ang ikatlong kabanata naman ay ang "Class Picture" kung saan sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang mga bida.
  • Tanging Ina N’yong Lahat (Star Cinema) - ay ang karugtong na kuwento ng "Ang Tanging Ina" na ipinalabas noong Disyembre 2007 at nagkamit ng maraming parangal tulad ng Pinakamagaling na Aktres na pinalanunan ni Ai-Ai delas Alas. Ito ay idinirihe ni Mel del Rosario at sinulat ni Wenn V. Deramas.

Ang mga Nagwagi

  • Best Picture - Baler
  • 2nd Best Picture - Ang Tanging Ina N'yong Lahat
  • 3rd Best Picture - Iskul Bukol: 20 Years After
  • Best Director - Mark Meily (Baler)
  • Best Actor - Christopher De Leon (Magkaibigan)
  • Best Actress - Anne Curtis (Baler)
  • Best Supporting Actor - Philip Salvador (Baler)
  • Best Supporting Actress - Manilyn Reynes (One Night Only)
  • Best Screenplay - Roy Iglesias (Baler)
  • Best Story - Jose Javier Reyes (One Night Only)
  • Best Cinematography - Lee Meily (Baler)
  • Best Sound - Albert Idioma and Whannie Dellosa (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)
  • Best Visual Effects - Robert Quilao (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)
  • Best Production Design - Aped Santos (Baler)
  • Best Editing - Danny Anonuevo (Baler)
  • Best Make-Up - Noli Villalobos (Desperadas 2)
  • Best Musical Score - Jessie Lasaten (Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)
  • Best Theme Song - Lipad by Jessie Lasaten and Artemio Abad Jr., performed by Lea Salonga - (Dayo: *Sa Mundo ng Elementalia)
  • Best Child Performer - Robert "Buboy" Villar (Shake, Rattle, & Roll X)

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008 Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008 Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008 Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008 Mga Pelikulang Kalahok sa MMFF 2008