Mga Manunulat na Nakaimpluwensiya kay Jose Rizal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kilala si Jose Rizal sa kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na siyang naging inspirasyon ng mga rebolusyonaryong Filipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Ang Noli ay hango sa nobelang nabasa ni Rizal na pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ilalim ng panginoong puting Amerikano. Inihahambing ni Rizal ang hinagpis na naranasan ng mga Negro sa naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mapang-aping mga prayleng Espanyol.

Ang kuwento naman ng El Fili ay may pagkakatulad sa nobelang "The Count of Monte-Cristo" ng Pranses na manunulat na si Alexandre Dumas. Sinasabing bilang isang batang estudyante, binasa at hinangaan ni Rizal ang nobelang ito ni Dumas. Madalas na ikinukumpara ang tauhan sa El Filibusterismo na si Simoun sa karakter ni Edmond Dantes sa The Count of Monte-Cristo. Gayundin, may pagkakapareho ang takbo ng salaysay sa parehong nobela, maging ang tema ng paghihiganti ng mga pangunahing tauhan. Nagkaiba lamang ang naging kinahinatnan nina Simoun at Edmond Dantes. Kung naging maganda ang katapusan ng nobela para kay Edmond Dantes, pinili naman ni Rizal ang isang malungkot na wakas para kay Simoun.

Mga Sanggunian

Yumul, Francis "Rizal's favorite-THE COUNT OF MONTE-CRISTO"