Mga Hakbang sa Pagboto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang pambansa at lokal na Halalan 2022 ay gaganapin sa 9 Mayo 2022. Ang oras ng pagboto ay mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Para sa ligtas at maayos na pagboto, narito ang mga hakbang na dapat sundin ayon sa Komisyon sa Halalan:

  1. Sumailalim sa temperature check bago pumasok ng voting center.
  2. Magtungo sa Voters’ Assistance Desk (VAD) para alamin ang iyong precinct at sequence numbers at assigned room o clustered precinct.
  3. Pumunta sa inyong assigned room at magpakilala sa Electoral Board sa pamamagitan ng pagsabi ng inyong pangalan, precinct number at sequence number.
  4. Kunin ang balota, ballot secrecy folder at marking pen mula sa EB at magtungo sa voting area upang bumoto.
  5. Itiman ang loob ng bilog sa unahan ng pangalan ng kandidatong nais mong iboto. Huwag bumoto ng labis sa nakatalagang bilang sa bawat posisyon.
  6. Ipasok ang balota sa Vote Counting Machine (VCM).
  7. Suriin ang resibo at ihulog ito sa nakatalagang lagayan.
  8. Magpalagay ng indelible ink sa kuko ng inyong kanang hintuturo.

Inaasahan din ang pagsunod ng bawat isa sa health and safety protocol bunsod ng COVID-19.

Simula rin noong 9 Enero 2022 hanggang 8 Hunyo 2022 ay ipinatutupad ang gun ban.

Sanggunian

“Hakbang sa Pagboto : 2022 National and Local Elections.” https://comelec.gov.ph/?r=2022NLE/VoterEducation/HakbangsaPagboto. Accessed 26 Abril 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.