Mga Anak-Bukid

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Mga Anak-Bukid ay isang nobelang Tagalog na sinulat ni Rosauro Almario. Una itong nailimbag noong 1911. Tinutuligsa nito ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Kwento

Isang matinding kritisismo ng kolonyalismong Amerikano, ang Mga Anak-Bukid ay umiiral sa buhay ng mga magsasakang sina Tonyo at Juli, at sa kanilang pagkakasintahan na nabahiran nang gahasain si Juli ni George, isang Pilipinong pinag-aral sa Estados Unidos at lumaki sa mga gawing Amerikano. Ang pangyayaring ito ang nag-aangat sa Mga Anak-Bukid mula pagiging kwento ng pag-ibig sa pagiging larawan ng pagtatanggol sa marangal na katutubong pamumuhay sa harap ng pag-usbong ng mga tuta ng kolonyalismong Amerikano.

Sanggunian

  • Mga Anak-Bukid. Vibebookstore.com. (Hinango noong 22 Marso 2013)
  • Mga Anak-Bukid. Filipiniana.net. (Hinango noong 22 Marso 2013)
  • Almario, Rosauro . Mga Anak-Bukid. Manila, Philippines: Limbagang Cultura Filipina, 1911.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Panitikan Kategorya:Katha Kategorya:Nobela Kategorya:Nobelang Tagalog Kategorya:Mga Anak-Bukid